Roxanne Barcelo sa kanyang career bilang singer: “kasi wala namang nakikinig sa akin, Tatay ko lang”




Larawan mula sa Instagram post ni Roxanne Barcelo at YouTube
  • Sumabak sa Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions si Roxanne Barcelo
  • Dito ay nagbalik-tanaw siya sa kanyang singing career na tila nakalimutan na
  • Sabi niya, ang kanyang yumaong tatay lamang ang nakikinig sa kanyang umawit

Sa ikaapat na taon ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, mga celebrity naman ang tatanggap sa hamon ng entablado at haharap sa mga hurado. At sa ikatlong araw ng pasikatan ng mga celebrity singers, nagbigay ng ngiti at luha ang aktres at award-winning performer na si Roxanne Barcelo sa madlang pipol.

Matapos ang madamdamin niyang rendition ng classic ballad na Somewhere Over the Rainbow, naging makulit ang interview nina Vice Ganda at Anne Curtis kay Roxanne. Dahil magkaibigan sina Vice at Roxanne, alam ng dalawa kung paano magbibigay ng saya sa mga manonood.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

Gayunman, nang mapag-usapan ang yumaong ama ni Roxanne, dito na nag-umpisang maging emosyonal ang aktres. Bago raw kasi ito mawala, nagbilin pa ang tatay niya na huwag huminto sa pag-awit dahil sayang daw ang talento nito.

“Tinext niya ako: kanta ka anak. In capital letters sabi niya, “SAYANG.” Sabi niya sa akin, sayang ‘nak. Kasi wala namang nakikinig sa aking kumanta tatay ko lang,” kuwento ni Roxanne sa mga huling sandal ng kanyang ama.

Hindi na napigilan ni Roxanne ang maluha na binigyan naman ng isang yakap ni Vice Ganda. Ito raw ang dahilan ni Roxanne kung bakit tinanggap niya ang hamon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Champions upang maiparinig muli sa maraming tao na minsan siyang kinilala bilang isang mahusay na teen singer.

Bago nakilala sa kanyang mga mature at kontrabida roles, isang singing champion si Roxanne. First-runner up siya sa singing show na Metropop: Star Search. Simula noon ay naging teen star siya ng GMA Network at nakagawa ng ilang TV shows.

Larawan mula sa Instagram post ni Roxanne Barcelo

Naging matagumpay ang career niya bilang singer kahit saglit lamang. Nag-top sa hit charts ang Tagalog version niya ng isang Korean song at pinamagatang “Kung Alam Mo Lang Sana.” Siya rin ang nagpasikat ng English version ng sikat na dance song na “Answer the Phone.”

Ngunit mas nakilala si Roxanne sa mga mapangahas na role sa telebisyon at naging cover girl pa ng ilang magazines. Makailang ulit din siyang nagpalit ng screen name tulad ng Roxie B. at Roxie. Isa sa mga tumatak na role niya ang paglabas sa Wildflower bilang Natalie Alcantara.

Hindi naman nabigo si Roxanne sa kompetisyon dahil siya ang itinanghal na Tawag ng Tanghalan Celebrity Champion of the day. Babalik siya sa semi-finals ng kompetisyon at susubukang makapasok sa finale ng patimpalak.