Robert Mondragon, muling nagbabalik sa Kadenang Ginto




Public Domain Image
  • Muling nagbabalik si Robert Mondragon sa Kadenang Ginto
  • Ito ay ginagampanan ni Albert Martinez
  • Si Albert Martinez ay naging kabilang din sa nagwakas na teleseryeng The General’s Daughter

Lalong magiging kapana–panabik ang mga paparating na eksena sa top–rating teleseryeng “Kadenang Ginto” sa Kapamilya Gold ng ABS–CBN Kapamilya Network sa muling pagbabalik ni “Robert Mondragon”, ang asawa ni Romina Mondragon at ama ni Daniela Mondragon.

Batay sa teaser, makikita sa eksena na may kamay na umahon kay Robert habang siya ay nalulun0d sa dagat dahil sa  pagsabog ng kaniyang sinasakyang eroplano. Ang alam ng lahat ay yumao na ito kaya naman dumami pang lalo ang iringan sa pagitan nina Romina at Daniela.

Image capture mula sa YouTube channel

Samu’t sari naman ang naging reaksyon dito ng mga netizens.

“Sana naman pagbalik niya wala siyang amnesia! So predictable naman kung ganoon. End Daniela and Hector’s evil deeds, pati na kay Marga. Parang food na paulit–ulit kinakain, nakakaumay ang pagiging masama nila.”

“Kapag nakabalik si Robert, yayaman ba ulit si Daniela o magagalit si Romina kay Robert? Tutal ang pera ngayon ni Romina ay galing sa sarili niyang pagod bilang lugi na ang business niya before. Kaabang–abang.”

“Baka mamaya yumaman na naman si Daniela tapos aapihin na naman si Romina. Minsan nakakasawa na rin ang mga ganiyang twist.”

Ang karakter ni Robert Mondragon ay ginamgampanan ng mahusay na aktor na si Albert Martinez, na naging bahagi rin ng katatapos na teleseryeng “The General’s Daughter” na pinagbidahan ni Angel Locsin sa Primetime Bida. Inalis muna ang karakter ni Robert sa KG upang hindi ito mag–overlap sa TGD, at dahil nagwakas na ang TGD matapos ang halos siyam na buwang pag–ere nito sa telebisyon, muli niya itong matututukan.

Ang kalaban naman niyang si Heneral Tiago na ginampanan ni Tirso Cruz III ay nasa “Starla” naman na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

Panoorin ang naturang teaser via YouTube channel.