Pagkamaginoo, uso pa ba sa kalalakihang Pilipino?




  • Napag–usapan ng netizens kung uso pa ba ang pagkamaginoo ng kalalakihang Pilipino sa kasalukuyan
  • Nag–ugat ito sa isang larawan kung saan makikita ang dalawang babaeng nakaunipormeng puti na nakasabit sa entrada ng isang pampasaherong jeepney
  • Hati ang naging opinyon ng netizens hinggil dito

Nakikita pa ba natin sa kasalukuyan ang mga eksenang hihilahin ng isang lalaki ang upuan upang paupuin ang kaniyang kasamang babae, o kaya naman ay pag–alalay at pagpapauna sa paglalakad, o kaya nama’y bibigyan ng mauupuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus, LRT o MRT?

Ang aktong iyan ng kalalakihang Pilipino ay tinatawag na “pagkamaginoo” o pagiging gentleman. Bahagi iyan ng kulturang Pilipino dahil kahit na likas na makalalaki o patriyarkal ang ating lipunan, mataas naman ang pagpapahalaga at paggalang na ibinibigay sa kababaihan. Sa paglipas ng panahon, masasabi nga bang makikita pa rin ito sa kasalukuyan?

Pinag–ugatan ng usap–usapan ang tungkol sa pagkamaginoo ng mga lalaking Pilipino dahil sa isang larawang naka–post sa “Memories of Old Manila”. Batay sa Facebook post, makikita ang isang larawan ng dalawang babaeng nakaunipormeng puti (na mahihinuhang nurse o kaya’y mga estudyante) na nakasabit sa entrada ng isang pampasaherong jeepney. Iba–iba naman ang naging reaksyon dito ng netizens.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

“Iyong mga nakasakay sa loob ng jeep, nagtiyaga silang maghintay nang matagal makapasok lang at makaupo nang maayos sa jeep, tapos yang mga hapit na hapit makasakay sumabit na lang, tapos ang ending kesyo babae sila kaya nagmumukhang masama yung mga lalake na nasa loob ng jeep.”

“So sad! Life in the Philippines is getting harder every day.”

“Why sad? Achievement para sa amin iyang mga babae. Sa panahon ngayon, hindi na importante kung may magpapaupo. Mayroon din kasing mga babae na hindi marunong magpasalamat kapag napagbigyan. Minsan galit pa kasi ang tagal bago napaupo.”

“Hindi na maginoo ang mga lalaki ngayon. Oo nga pantay na ang karapatan ng mga babae at lalaki ngayon, pero sana naman, nagmamanifest pa rin ang pagiging maginoo.”

“Hindi ba sabi natin, kung ano ang kaya ng mga lalaki ay kaya rin ng mga babae? Strong and independent woman na? Kaya huwag natin maliitin ang kababaihan ngayon.”

Public Domain Image

Ikaw, ano ang masasabi mo tungkol sa bagay na ito?

Source :

Facebook