Netizen, napahanga sa bagong linis at ganda ng Divisoria




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Humanga ang mga netizenS sa malinis at maaliwalas na Divisoria
  • Partikular na makikita sa larawan ang Tutuban Shopping Center
  • Lahat ng ito ay kredito kay Mayor Isko Moreno

Sino nga naman ang mag–aakalang muling lilinis, aayos, at gaganda ang Divisoria sa Maynila?

Humanga ang mga netizens sa bagong mukha ng Divisoria batay sa ibinahaging larawan ng Facebook user na si Paul Kevin Reig na makikita naman sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Batay sa kaniyang Facebook post, makikitang napakalinis ng lansangang nasa tapat ng Tutuban Center na matatagpuan sa naturang lugar sa Maynila.

“Share ko lang. Wow ganito na pala sa Divisoria?!”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagpatotoo naman dito ang ilang mga netizens partikular ang mga taga-Maynila. Nagbigay sila ng reaksyon hinggil dito.

“Good job yorme! Kapag hindi mukhang pera ang mayor at pinuno ng isang bayan, kitang–kita mo ang malaking pagbabago. This is the real change!”

“Namulat at laking Tondo ako pero now ko lang nakita ang liwanag ng Recto Tutuban. Thank you Mayor Isko.”

“Ang linis, maaliwalas sa paningin… Sana noon ka pa naging mayor ng Maynila. Pero hindi pa huli ang lahat mayor. Good health everyday po!!”

“Ganyan naman talaga hitsura ng Tutuban noong wala pang Tutuban Center Mall. Nariyan pa yung statue ni Andres Bonifacio. May small park diyan. Tapos kapag hapon may nagtatanghal na mga Intsik kung tawagin ‘kawka!!!’ Naka make–up sila…”

“Last time nariyan ako, sobrang daming tao, sobrang daming tindahan, hindi mo makikita yang Tutuban Center pero ngayon, sobrang linis na. Ganyan dapat ang mayor.”

“Hindi totoo iyan…been there yesterday and super traffic at napakaraming PUV na nagkalat sa gilid na nagsasakay at nagbaba ng pasahero kaya nag–cause ng traffic and delay ng pag–usad ng mga sasakyan. Wala ring enforcer or pulis para ayusin ang trapiko,  pero malinis na ang kalsada, walang basura at mga stall sa kalsada pero ang nakasira yung mga PUV.”

Ang paglilinis at pagbabagong mukha ng Maynila ay proyekto ni Mayor Isko Moreno simula nang siya ay maihalal bilang bagong mayor ng Maynila.

Ang Divisoria ay nakilala bilang commercial center o bilihan ng iba’t ibang produktong bagsak–presyo.

Public Domain Image