Netizen, nanawagan sa social media na tulungan ang matandang mag-asawa sa Maguindanao




  • Kahanga-hanga ang mag-asawang tumanda na at lahat ay nananatiling matibay pa rin ang pagsasama
  • Gayunman, dahil sa kahirapan ay may mga matatandang mag-asawa ang tila napag-iiwananan ng panahon
  • Isang mag-asawang matanda mula sa Maguindanao ang pinanawagan ng tulong ng isang netizen

Isang netizen ang nanawagan sa Facebook na tulungan ang mag-asawang matanda na naninirahan sa isang barong-barong sa Maguindanao.

Sa Facebook post ni Jerry T. Ledesma, makikita ang kaawa-awang kalagayan ng mag-asawang itinago ang pangalan dahil ayaw umano nilang maging pabigat sa mga anak.

Imahe mula sa Facebook account ni Jerry T. Ledesma

Sina Lolo at Lola na lamang ang nakatira sa isang barong-barong. Kapuwa nangangayayat din ang dalawang matanda.

Ayon pa kay Ledesma, hindi umano iniwan ng mag-asawa ang isa’t isa kahit anong mangyari sa kanila. Sa hirap man o sa ginhawa ay nabubuhay sila para sa isa’t isa.

“Sana ay matuunan natin ng pansin at matulungan man lang sila kahit sa pamamagitan ng pagshare ay malaking tulong na po para makarating sa kinauukulan. Sila ay nakatira sa Barangay Damaklit, Paglat, Maguindanao,” panawagan ni Ledesma.

Nag-abot din ng tulong si Ledesma sa dalawa para makatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mag-asawa ngunit alam niyang kulang pa iyon para guminhawa nang tuluyan ang pamumuhay ng mag-asawa.

May mga netizens din ang naawa at naantig ang damdamin nang makita ang mga larawan ng mag-asawa. May mga nagtanong din kung nasaan ang mga anak o kaanak ng mga ito.

“May mga anak pa po ba ‘yan? Kawawa naman. Nakakadurog ng puso. Dapat sa kanila ay inaalagaan,” ayon sa isang komento.

Imahe mula sa Facebook | Jerry T. Ledesma

Isang netizen na bumisita rin sa mag-asawa ang nagpatunay na magkasama sa hirap at ginhawa ang mag-asawa. Si lolo ay mahina na rin umano ang pandinig.

“Sobrang sweet ni Lolo kay Lola, habang may ginagawa si Lolo nasa tabi lang siya ni Lola,” ayon sa netizen na naglagay pa ng larawan ng dalawa.

Sa mga nais tumulong kina Lolo at Lola, maaaring tumawag sa mga numerong  09161994353 at 09164043420.

Guminhawa pa sana ang pamumuhay ng mag-asawa sa mga nalalabing panahon nila sa mundo.

Imahe mula sa Facebook | Jerry T. Ledesma
Source :

Facebook