Netizen, nanawagan sa mga tv networks na ibalik ang mga family–oriented shows




Imahe mula sa Facebook page na We are 90's/Public Domain Image
  • Nanawagan ang isang netizen na ibalik ang mga family–oriented shows sa telebisyon
  • Nakakasawa na raw at hindi na maganda ang tema ng mga palabas ngayon
  • Umayon naman dito ang maraming netizens

Isa sa mga paboritong panoorin ng mga Pilipino sa telebisyon ang mga sitcom o family–oriented shows na nakapagdudulot ng katatawanan at nakapagbibigay ng aral, lalo na sa mga kabataan.

Isang netizen ang nanawagan sa mga tv networks na ipanumbalik ang family–oriented shows sa telebisyon.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si Reylie Lopez sa Facebook page na “We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), hindi na raw kaaya–aya ang mga tema ng mga palabas ngayon sa telebisyon. Nag–post pa siya ng throwback photo ng sitcom na “Home Along Da Riles” na pinagbidahan ni Dolphy at Nova Villa na siyang longest–running sitcom na umere sa kasaysayan ng Philippine TV.

Imahe mula sa Facebook page na We are 90’s

“Utang na loob mga tv networks, tama na mga palabas tungkol sa kabit, pusakal, sampalan, barilan, kalandian… sana ibalik ninyo naman family–oriented na palabas tulad nito. Tapos magtataka kayo kung bakit dumarami ang krimen sa bansa…”

Sumang-ayon naman dito ang mga netizens lalo na sa mga “nauumay” na sa mga tema ng palabas ngayon, lalo na tuwing gabi.

“Sana mabasa ito ng mga executive ng mga tv stations kasi yung mga ganyang palabas, tumagal naman sa ere… kasi kaya nanonood ang tao para marelax, pero hindi nakakarelax mga palabas nila ngayon. Puro dahas na lang o kaya kabit.

“Oo nga nakakawalang-gana nang manood tuloy ng telebisyon, kahit saang channel mo naman ilagay, ganoon din ang istorya at ipinakikita pa roon na ang kasamaan pa ang pinaiiral.”

“True. Many of their drama shows are very unhealthy for families, especially growing children. Puro intriga, sampalan, gossip, family squabbles, lying, plastikan, and so on. Can’t these network do no better?”

Public Domain Image

“It goes without saying that these guys behind this crap teleseryes are not aware of what they’re doing. SOS, aka same old stories that will ruin your day.”

Sana nga ay makarating ito sa pamunuan ng mga tv networks sa bansa.