Netizen, ipinagmalaking produkto siya ng isang mahusay na private school




  • Labis ang pagtanaw ng utang na loob ng isang netizen sa kaniyang paaralang pinagtapusan
  • Mataas umano ang paggalang nila sa mga guro gayundin sa mga patakaran ng paaralan
  • Ang tinutukoy na paaralan ng alumnus ay Don Bosco College-Canlubang

Ipinagmalaki ng isang netizen na siya ay produkto ng pampribadong paaralan at malaki ang naitulong ng institusyong kaniyang pinagtapusan upang maging maganda ang direksyon ng kaniyang buhay.

Ayon sa mahabang Facebook post ni Jeff Caber, alumnus ng Don Bosco College-Canlubang, labis ang kaniyang pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang mga magulang dahil pinag–aral siya ng mga ito sa isang mahusay na paaralan.

“I AM A PRODUCT OF A PRIVATE SCHOOL EDUCATION. I finished my Secondary education from Don Bosco College-Canlubang. One of the premiere private schools in Canlubang. As I remember it correctly, the schools tuition fee is about 30,000 pesos a year. and back then, 30,000 pesos is not that easy to earn. Its a huge amount of money. That’s why I am grateful to my parents for it.”

Imahe mula sa Facebook post ni Jeff Caber

Sa pagbabalik–gunita ni Caber, mataas umano ang paggalang at pagkilala nila sa kanilang mga naging guro at patakaran ng paaralan. Kahit sila ay nasa pribadong paaralan, naranasan din nilang magtanim ng halaman, magpakain ng mga manok, at anihin ang kanilang sariling pinaghirapan.

Dagdag pa niya, kahit na siya ay hinika nang mga panahong iyon dahil sa kanilang pagtatanim, hindi niya ginawang excuse ito upang hindi daluhan ang kanilang klase hinggil sa pagtatanim.

“BUT I remember back then, we had a huge respect for the teachers, the school and its policies. Whatever they say goes. I remember back then, we had farming class under Tatang Jess. we would remove our elegant school uniform and put on our working clothes, get our farming tools and start digging the ground to plant vegetable seeds and water it. We would at times feed the poultry, collect the chicken dung and put it on the ground as fertilizer for the plants. we repeat the process day after day till we see the fruits of our labor.”

Nang masira raw ang kaniyang salamin sa mata at pati ang kanyang ilong dahil natamaan ito sa paglalaro nila ng baseball, hindi raw inaway ng kaniyang ina ang kaniyang guro sa P.E.; tinanong lamang nito kung paano makukuha ang kaniyang insurance.

Imahe mula sa Pixabay

“Back then, we had baseball classes during our P.E. time. one time, my classmate hit me with a baseball on my nose. it broke my glasses and of course my nose. It bled like crazy. The school called my mom, and they rushed me to the hospital. But I never saw my mom made a scene with my P.E. teacher. She just asked what happened and asked how to avail of the school’s insurance, that’s it.”

Ipinagmalaki ng netizen na ang mga Bosconians (tawag sa mga mag–aaral ng Don Bosco College) ay may mataas na paggalang sa kanilang mga guro. Itinuturing nilang kaibigan ang mga ito sa labas at mga magulang naman sa loob ng paaralan. Wala raw janitor noon dahil sila ang naglilinis ng kanilang mga silid–aralan. Wala rin ni isang mag–aaral o magulang na nagreklamo hinggil dito.

“Bosconians had huge respect for their teachers. We consider them friends outside our school but parents and authorities inside the school. Even our own parents knew that. Don Bosco had no classroom janitors. We cleaned our own rooms. But not a single student or parent told our teachers that we should not clean our rooms because we are paying huge amount of cash for tuition. We just respect our teachers and our parents trusted the school.”

Public Domain Image

Hindi rin umano siya kinakampihan ng mga magulang niya kapag may nagagawa siyang kalokohan sa paaralan; kasalanan man niya o hindi. Hindi raw nila kinuwestyon ang mga parusang pinataw sa kanila ng mga guro at pamunuan.

“My parents were barely visible in the school. but they never missed conferences with my teachers during card giving. Noong panahon na iyon, kahit kailan hindi ako kinampihan ng mga magulang ko kapag may nagagawa akong kalokohan sa school. Kasalanan ko man o hindi. My parents just told me to face the consequences of my actions. Kahit kailan hindi sila pumunta ng school para kwestyunin yung consequences na ipinataw sa akin.”

Batay sa kaniyang obserbasyon, ito raw marahil ang dahilan kung bakit mahina ang loob ng mga kabataan ngayon — dahil hindi ipinaranas sa kanila ang mga naranasan nila noon sa paaralan. “To the rescue” daw kasi ang mga magulang ngayon sa kanilang mga anak. Para sa netizen, ang mga naranasan nila sa loob ng paaralan ang humubog sa kanila upang maging mahuhusay na mamamayan at matatagumpay na propesyunal sa kanilang mga larangan.

“Maybe that’s why a lot of students in this generation are wimps, because they are not allowed to do and experience hard work. Parents are always to the rescue at the very first sign of hardship their children faces. But I won’ t take it against them… its true and I am glad that we were born in different generations.”

Dagdag pa niya: “I turned out fine. And as far as I know, my classmates are also successful in their respected fields now. Some are engineers, architects, teachers etc.”

Ikaw, proud ka ba sa iyong Alma Mater?