Netizen, ibinahagi ang matagumpay na pag–iimpok sa pamamagitan ng “peso challenge”




Imahe mula sa Facebook page na Peso Sense
  • Ibinahagi ng isang netizen ang matagumpay niyang pag–iimpok sa pamamagitan ng “peso challenge” 
  • Umabot ng halos P60,000 ang kaniyang naipon na sinimulan niya noong Abril lamang
  • Marami sa mga netizens ang nagbigay ng reaksyon hinggil dito

Ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, siguradong marami sa ating mga kababayan ang naghahanda na sa pambili nila ng mga regalo para sa kanilang mga kapamilya, kaanak, kaibigan, kasintahan, kaklase, katrabaho, at sa iba pang mahahalagang tao sa kanilang buhay. Malaking bagay na sa simula pa lamang ng taon ay nakapag–ipon na upang hindi na mamroblema sa budget.

Isang netizen na hindi nagpakilala ang nagbahagi ng kaniyang matagumpay na pag–iimpok sa pamamagitan ng “peso challenge” na makikita sa Facebook page na “Peso Sense”.

Ayon sa Facebook post, mula limampung piso hanggang isanlibong piso ay isinisilid niya sa isang bakanteng bottled water kaya nakaipon siya ng tumataginting na P56,210 simula noong Abril 2019. Not bad, hindi ba?

Imahe mula sa Facebook page na Peso Sense

“Hello mga Ka-Peso! Some of the posts here inspired me to do this ipon challenge. Though mahilig talaga ako mag-ipon, mas na–inspire ako noong mabasa ko ‘yong iba-ibang kwento ng pag–save and how to be financially prepared,” pagsisimula niya sa kanyang post.

“I started this ipon challenge last April lang and I decided to open it na kasi baka masira na ‘yong pera. I do save everyday kahit magkano kasi kapag nagawa mo siya daily, tuloy-tuloy na siya. I hope we all do save for rainy days. Happy saving! Total is P56,210.00,” dagdag pa niya.

Marami naman sa mga nakabasang netizen ang nabigyang–inspirasyon upang gayahin ito. Nagbigay sila ng kanilang mga reaksyon hinggil dito.

“Wow, sana lahat naiisip at nagagawang mag–ipon, para may nadudukot sa oras ng pangangailangan at nang naiiwasang mangutang, para hayahay ang buhay.”

“Nakaka–inspire talaga ang Peso Sense. Sa December mabubuksan ko na rin ang ipon challenge naming mag–asawa at bunso ko. Sobrang lakas maka–goodvibes ng post na ito. Congrats po ateng sender!”

Imahe mula sa Facebook page na Peso Sense

“Trying to save. Wala akong hawak na cash kasi lahat dito nasa debit card at hindi uso ang cash. I always have a separate savings pero laging nawiwithdraw gawa ng pagpapadala sa Pilipinas.”

Nakaka–inspire mag–ipon no? Ipon na!

Source :

Facebook