Naranasan mo na bang makapaglaro ng sumpit?




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Kinatuwaan ng netizens ang larawan ng sumpit o sumpak
  • Isa itong uri ng laruang sandata na karaniwang nilalaro ng mga batang lalaki noon
  • Nagbigay naman ng komento rito ang netizens lalo na ang mga nakasubok na maglaro nito

Simple lamang ang pamumuhay noong hindi pa masyadong malawig ang paggamit ng teknolohiya, na nagsilang sa mga makabagong kagamitan at gadget na nilalaro ng mga bata sa kasalukuyan. Simple lamang din ang kaligayahan ng mga bata noon—ang mga laruan ay kanila mismong ginagawa, o wika nga sa Ingles, ay “improvised”.

Kumalabit sa matatamis na alaala ng netizens, lalo na ang mga batang 80’s at 90’s ang isang larawang nagpapamalas ng isang uri ng laruang tinatawag na “sumpit”, na ibinahagi ng Facebook user na si “Rene Seno” sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ayon sa kaniyang Facebook post, simple lamang ang kaligayahan noon, bago pa man mauso ang mga makabagong kagamitan tulad ng cellphone at computer games.

“SIMPLENG KALIGAYAHAN NOONG ARAW… BAGO PA MAUSO ANG MGA SMARTPHONE AT COMPUTER GAMES.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng komento rito ang netizens. May ilang nagbahagi pa ng kanilang childhood memories sa paglalaro nito.

“Kapag itinanong mo iyan sa mga bata ngayon, nganga sagot nila. Highly enjoyable kaya iyan. Sa paligid ng bahay, maraming monggo na ginagawa naming pellet hahaha! I miss my childhood days!”

“Dangerous din iyan. Subo mo sumpit while running. Kapag nadapa ka, sugat sa bibig. Tusok ngalangala mo. Aruy!”

“Of course I did, but my matchbox says “Guitar” not Royal… hahahaha pure memories. Thanks for posting this. Ngayon sa probinsya puro pellet gun o di kaya sumpak na gawa sa kawayan (luthang in Bisaya).”

“Yes naman, sumpit o sumpak ang tawag diyan, tapos ang bala ay monggo o kaya merong damong may bunga rin na pwedeng ibala at sumpitan. Sarap balikan ng pagkabata!”

Ang sumpit o sumpak – o bl0wgun sa Ingles –  ay isang uri ng makalumang laruang sandata na maihahalintulad sa baril–barilan. Pinapasok dito ang kasamang bala sa isang dulo, na pagkatapos ay hihipan para maibuga at matamaan ang nais puntiryahin.

Public Domain Image

Kahit masaya itong laruin, kailangan din ang ibayong pag–iingat dahil maaaring mapasok ito sa mata ng taong kalaro na maaaring magbunsod ng panganib sa kaniyang paningin.