Nagkakahiyaan pa raw: Xian Lim, nagbalik-tanaw sa first date nila ni Kim Chiu




Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim
  • Muling ipinakita ni Xian Lim kung gaano siya ka-sweet bilang boyfriend ni Kim Chiu
  • Kinakiligan ng netizens ang mga throwback photos na ipinaskil ni Xian sa Instagram tungkol sa first date nila ni Kim
  • Inamin din niya na nagkakahiyaan pa sila sa kanilang first date

Isa ang first date sa mga “first times” na hindi malilimutang karanasan ng sinumang mangingibig. Isa rin ang first date sa mga most memorable experiences ng mga magkasintahan. Ito rin ang isa sa mga malimit i-throwback photo ng mga magkakarelasyon sa kanilang social media.

Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim

Kaugnay rito ang trending photo na ipinaskil ni Xian Lim sa kaniyang Instagram account kung saan ganito ang kaniyang caption: “First date 2012. Nagkakahiyaan pa.”

So, ang kanilang hilig sa paglalakbay nang magkasama ay nagsimula pala pitong taon na ang nakararaan. Patunay ito na totoong masugid na manliligaw noon ni Kim si Xian, na unang nagtambal sa teleseryeng My Binondo Girl noong 2011.

Ngunit bago ito, nauna nang inamin ni Xian na “love at first sight” ang kaniyang naramdaman nang una niyang makita ang larawan ni Kim sa isang billboard noong 2009.

Matatandaan na noong ika-30 kaarawan ng kaniyang girlfriend ay nagpost din si Xian ng sweet message para kay Kim. Nagbalik-tanaw rin ang actor-director sa unang pagkakaton na nakita niya ang dalaga,

“We first met about 10 years ago and I remember seeing one of your billboards while driving and I remember saying to myself… ‘siguro ang sarap mahalin ang isang katulad mo,’” ayon sa dating Instagram post ni Xian.

Ang kanilang relasyon ay opisyal namang inamin ni Kim sa publiko nang mag-guest ito sa “Tonight with Boy Abunda” noong Nobyembre 2018.

Imahe mula sa Instagram account ni Xian Lim

Noong ABS-CBN Ball 2019, naging super sweet din ang couple at mahahalata sa maniningning nilang mga mata kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Samantala, marami ang kinilig sa pag-throwback ni Xian ng kanilang first date photos ni Kim.

“Awww. Sana all [ay] parang si Xian Lim. Overload sweetness. Kakakilig naman,” ayon sa isang komento.

Source :

Instagram, DF