Mikee Quintos ipinasilip ang kanyang bakasyon sa Palawan; inaming may non-showbiz BF




Larawan mula sa Instagram account ni Mikee Quintos
  • Sumaglit si Mikee Quintos sa isang bakasyon sa Palawan
  • Masaya ang aktres na sandaling nakapagpahinga sa hectic showbiz schedule
  • Inamin din niya na mayroon na siyang boyfriend

Isa sa paboritong gawin ng mga celebrity kapag hindi sila abala sa anumang TV o movie project ay ang magbakasyon. Sa pamamagitan ng pagbisita sa ilang tourist spots ay nakapagre-relax sila at kahit sandali ay nagiging malayo sa mga intriga.

Isa sa mga artista na nakahanap ng oras para magbakasyon ay ang Kapuso actress na si Mikee Quintos. Pinili ni Mikee na gugulin ang kanyang libreng oras sa pamosong isla ng Palawan. Simple man ang naging bakasyon niya, nagpahanga naman ito sa kanyang mga fans at followers sa social media.

Larawan mula sa Instagram account ni Mikee Quintos

Ibinahagi ni Mikee sa kanyang Instagram account ang larawan ng bakasyon sa Palawan. Sabi ni Mikee, kailangan niya raw ang bakasyong ito dahil abala siya ngayon sa dalawang proyekto sa GMA Network; ang The Gift kasama si Alden Richards at Studio 7.

In-enjoy ni Mikee ang ganda ng kalikasan ng Palawan at sinubukan pang mamangka sa kahabaan ng world-renowned na Palawan Underground River. Payo niya sa kanyang mga followers, paminsan-minsan daw ay ayos lamang sumubok ng ibang bagay.

Kasunod nito, inamin ni Mikee na mayroon na siyang karelasyon na isang non-showbiz guy.  Sa pamamagitan ng mga kaibigan niya raw nakilala ang kanyang nobyo na Chinese daw ang lahi. Bagong graduate lang daw ito at nag-uumpisa pa lamang ang kanilang relasyon.

Ngunit kapansin-pansin na hindi isinama ni Mikee sa mga larawan ang kanyang nobyo. Paliwanag ng dalaga, ayaw daw muna niyang ipakilala sa madla ang kanyang boyfriend dahil gusto raw muna niyang i-enjoy ang pagiging pribado nila.

Larawan mula sa Instagram account ni Mikee Quintos

Hindi naman daw pinapansin ni Mikee ang mga fans ni Alden na tutol sa kanilang tambalan sa The Gift. Bago pa raw sila magkatrabaho sa serye ay mabuting kaibigan na niya ang aktor. Bonding daw nila sa set ang paglalaro ng Mobile Legends.

Nagkasama na rin sila ni Alden nang mag-guest ito sa Encantadia 2016 na naging breakthrough role ni Mikee kung saan siya’y gumanap bilang Sang’gre Lira.

Source :

Instagram, PEP