Mga sinehan noon, tanda pa ba ngayon?




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Pinag–usapan ng mga netizens ang mga lumang sinehan noon
  • Karamihan sa mga sikat na sinehan noon ay nagsarado na dahil sa mga malls
  • Nagbigay ng reaksyon dito ang mga netizens

Mahilig sa panonood ng pelikula ang mga Pilipino. Noon pa man ay usong–uso na ang mga sinehan o lugar kung saan sama–samang nanonood ng sine o pelikula ang mga tao.

Kaya naman, napabalik-tanaw ang mga netizens dahil sa nakapost na larawan sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na ibinahagi ng Facebook user na si “Danny Caro Bea” kung saan nakalagay ang pangalan ng iba’t ibang mga sinehang sumikat noon na dinarayo at pinupuntahan ng mga tao upang makapanood ng sine.

“SINE! SINE! SINE! Mga sinehang madalas nating panooran noong hindi pa nauso ang mga naglalakihang malls sa Maynila. Ano pa wala sa listahan?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Makikita sa listahan ang pangalan ng mga sikat na sinehan tulad ng Ever, Odeon, Gotesco, Cinerama, Sampaguita, at marami pang iba. Nagkomento naman dito ang mga netizen.

“Natatandaan ko ang Cinema 21 sa Araneta Center. Reclining seats pa noon tapos pop corn lang ang katapat. Solve na sa panonood.”

“Ang pinakasikat na panooran ng kalalakihan noon ay ang ROSE THEATRE, alam ninyo na kung bakit, kayo na ang mag–isip.”

“Anybody knows where Mactan Theater is? Heights Theater? Diyan kami nanonood ng mga magulang ko dati. Naaalala ko pa noon. Iyan ang pinakamasaya naming bonding.

“Magallanes Theater sa corner EDSA and South Expressway (Magallanes Commercial Center), Alabang Twin Cinema (predecessor ng Alabang Town Center), Rizal Theater, Greenhills Theater, Makati Square Cinemas, QUAD, etc.”

“Alin ba sa mga iyan ang sinehan sa Alabang Town Center? Doon kami nanonood dati madalas noong early 90’s noong bata pa ako.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Sa kasalukuyan, ilan sa mga sinehang nabanggit ay nagsara na. Ang mga sinehan ngayon ay matatagpuan na sa mga sikat na malls. Nauso na rin ang 3D at IMAX.

Source :

Facebook