Mga sagot ng Grade 2 student sa pagsusulit, kinaaliwan online




Imahe mula sa Facebook account ni Armand Vincent Sese
  • Marami ang naaliw sa isinulat na mga sagot ng isang Grade 2 student sa kaniyang pagsusulit
  • Sa larawan ng test paper na ibinahagi ng tiyuhin ng bata, makikita na napagpalit ng mag-aaral ang tamang kasagutan para sa mga nakasaad na pangungusap
  • Kapansin-pansin naman na marami ang natuwa sa post kaya agad itong nagviral sa social media
Imahe mula sa Facebook account ni Armand Vincent Sese

Agaw-pansin sa social media ang mga sagot ng isang Grade 2 student sa kaniyang pagsusulit. Bagama’t hindi na-perfect ng bata ang kaniyang exam, marami naman ang naaliw sa kinalabasan ng kaniyang mga sagot sa test.

Sa Facebook, ibinahagi ng netizen na si Armand Vincent Sese noong October 2 ang resulta ng pagsusulit ng kaniyang pamangkin na kasalukuyang nag-aaral bilang Grade 2 student.

Makikita sa larawan na may mga numerong hindi tumutugma sa tamang sagot kaya namarkahan ang mga ito ng bilog.

Aminado ang netizen na kaya niya ibinahagi ang larawan ng test paper ng kaniyang pamangkin ay dahil sa kakaibang aliw na idinulot ng mga sagot nito sa pagsusulit.

“So we can’t stop laughing because of the answers of my Grade 2 pamangkin in one of her tests. Bb. Jocelyn is shookt,” ani Armand sa post.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit 44,000 reactions at 51,000 shares ang nasabing post sa Facebook.

Marami ang nagbahagi ng kanilang saloobin tungkol sa nabasang sagot ng mag-aaral. Ipinahayag nila sa pamamagitan sa comment section ang aliw na idinulot sa kanila ng post.

I-click ang imahe para makita ang buong post

“Ang sakit ng tiyan ko katatawa,” ani ASY.

“Iyong tipong mape-perfect mo na, kaso bigla mong naalala iyong galit mo sa teacher mo,” pabirong sabi ni FAA.

“This made my day,” sabi naman ni TT.

“Hahaha kung sino man si Bb. Jocelyn nakakatawa. Hahaha,” ayon naman kay JE.

Malamang ay nakita ng bata na madalas kumain ng saging ang kanyang guro kaya’t naikonekta niya agad sa “mahilig kumain ng saging” si Bb. Jocelyn.

Nagkamali man ang bata sa kaniyang pagsagot, hindi naman maipagkakaila na tumama siya pagdating sa pagbibigay ng saya sa napakaraming netizens.

Source :

Facebook