Mga pelikulang kalahok sa MMFF 2019, dapat abangan at panoorin




Mga imahe mula sa Instagram accounts nina Iza Calzado at Aga Muhlach
  • Ipagdiriwang sa taong ito ang ika-45 taon ng Metro Manila Film Festival
  • Walong pelikulang Pilipino ang opisyal na kalahok dito na tiyak na inaabangan na ng mga manonood
  • Tiniyak naman ni MMDA Chairman Danny Lim na magiging mas magarbo at makabuluhan ang MMFF sa taong ito

Tuwing Pasko, bahagi na ng tradisyon ng mga Pilipino ang panonood ng mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF). At para sa ika-45 taon ng MMFF, walong pelikula ang kukumpleto sa listahan ng mga aabangan ng mga manonood.

Imahe mula sa Metro Manila Film Festival Facebook page

Ang unang apat na official entries sa taong ito ay napili batay sa script na ipinasa ng produksiyon. At tulad ng inaasahan, kasama ang mga pelikula nina Vic Sotto at Vice Ganda na parehong nangunguna sa takilya.

Narito ang apat: Miracle in Cell #7 (Aga Mulach at Bela Padilla); Mission Unstapabol: The Don Identity (Vic Sotto at Maine Mendoza); Sunod (Carmina Villarroel); M&M: The Mall The Merrier (Vice Ganda & Anne Curtis).

Ang sumunod na batch naman na kabilang sa full length feature category ay mga pelikulang natapos na ang produksiyon. Sa 15 na naipasang pelikula, apat lamang ang napili na bubuo sa final 8.

Ito ang Mindanao (Judy Anne Santos at Allen Dizon); Write About Love (Yeng Constantino at Rocco Nacino); 3Pol Trobol, Huli Ka Balbon (Coco Martin, Jennylyn Mercado, at Ai-Ai delas Alas); at Culion (Iza Calzado at Jasmine Curtis-Smith).

Batay pa lamang sa pamagat at sa mga artistang gaganap ay magkakaroon na tayo ng ideya kung ano ang genre ng bawat pelikula

Imahe mula sa Metro Manila Film Festival Facebook page

Samantala, ang walong pelikula ay mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa mula Disyembre 25, 2019 hanggang Enero 7, 2020. Gaganapin naman sa Disyembre 22, Linggo, ang Taunang Parada ng mga Bituin sa Taguig City.

Ang Gabi ng Parangal ay gaganapin naman sa Disyembre 27 sa New Frontier Theater. Ngayon pa lang, tiyak na may mga pambato na ang mga Pilipinong taunang tinatangkilik ang MMFF.

Source :

Pep