Maricar Reyes-Poon, nagpa-wow sa kanyang new look; bagong bakeshop sa isang malaking mall ibinida




Larawan mula sa Instagram account ni Maricar Reyes
  • “Wow” ang reaction ng netizens sa new look ng aktres na si Maricar Reyes
  • Nagmukha raw Hollywood actress si Maricar sa bagong kulay ng kanyang buhok
  • Nagbukas din ng kanyang bakeshop si Maricar sa isang malaking mall

Isa sa mga hinangaang Kapamilya actress si Maricar Reyes. Kahit anong role ang ibigay sa kanya, mapabida man o kontrabida, ay nagagampanan niya nang maayos at nakatatanggap pa ng mga parangal. Gayunman, nang maging misis ng kapuwa Kapamilya star na si Richard Poon, nabawasan ang mga proyektong ginagawa niya para sa telebisyon at pelikula.

Madalang mang mapanood at gumawa ng proyekto, patuloy na nagpapahanga si Maricar sa kanyang mga fans at followers sa social media. Trending ngayon ang new look niya dahil bumagay ito sa aktres at sinabing nagmukha siyang foreign celebrity sa kanyang gupit.

Larawan mula sa Instagram account ni Maricar Reyes

Short-haired na ngayon si Maricar at nagpakulay ng blonde. Marami ang humanga sa bagong hair-do niya at inulan ng positibong komento ang pinost niyang larawan na kinuhanan niya pagkatapos gawin ang makeover.

Ayon sa mga followers ni Maricar, nagmukha raw siyang isang foreign actress sa kanyang bagong buhok. Para daw siyang cast ng hit movie na Twilight Saga. Kinilig naman si Maricar at nagpasalamat sa mga pumupuri sa kanyang bagong look.

Ngunit maliban sa kanyang new hair, mas proud si Maricar sa kanyang bagong achievement; hindi bilang isang aktres kung hindi bilang isang entrepreneur. Inumpisahan niya ang kanyang bakeshop na “Maricar” noong 2015. Sa bahay lamang siya noon gumagawa ng kanyang mga special chocolate-liqu0r cakes at dine-deliver lamang sa mga umoorder.

Ngayon, dahil patuloy ang pagtangkilik ng mga parokyano sa kanyang special cakes, nagbukas na siya ng una niyang stall sa SM Megamall nito lamang nakaraang linggo. Hindi pa rin makapaniwala ang aktres na ang simpleng hobby niya ay isang maunlad na negosyo na ngayon.

Larawan mula sa Instagram account ni Maricar Reyes

“It’s still hard to believe. Noong 2015, sa bahay lang kami nagbe-bake, friends ko lang ang bumibili. But now we’re in Megamall. I love my team. This achievement is as much theirs as it is mine,” post ng aktres sa kanyang Instagram account.

Kamakailan lamang, napasama sa aklat na Best Desserts ni Vangie Baga-Reyes ang kanyang special chocolate cake. Natuklasan lamang daw ng manunulat na si Vangie ang tungkol sa baked goodies ni Maricar nang minsang may nagregalo rito.