Manila Metropolitan Theater, sinimulan nang ayusin at pagandahin




Public Domain Image
  • Aayusin at muling bubuhayin ang makasaysayang Manila Metropolitan Theater
  • Ito ay sa ilalim ng magkasanib na puwersa ng lokal na pamahalaan ng Maynila at NCCA
  • Marami sa mga Manilenyo ang natuwa rito

Sinimulan na ang pagsasaayos at muling pagbuhay sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater sa Lawton, Maynila noong Oktubre 7, 2019 sa pamamagitan ng magkasanib na puwersa at inisyatibo ng pamahalaang lokal ng Maynila at National Commission for Culture and the Arts o NCCA.

Ang Manila Metropolitan Theater o may salin sa wikang Filipino na Tanghalang Pangkalakhan ng Maynila ay dinisenyo ng arkitektong si Juan M. Arellano na matatagpuan malapit sa Mehan Garden, sa gilid ng Kalye Arroceros, at malapit sa Manila Central Post Office. Ito ay pinasinayaan noong Disyembre 10, 1931.

Imahe mula sa Facebook page ng Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“This time, we Filipinos, must never let this historic, beautiful and iconic Manila Metropolitan Theater go back from its previous years of public neglect. This building is one of our Philippine pride!”

“I used to watch several stage plays in this place when I was high school in V. Mapa. Glad to know that finally it’s now under restoration/renovation. It’s really one of our Filipino heritages. Good job Mayor Isko!”

“I have been waiting for this for so long. Thank you for having the initiative and for providing the fund to restore it. Once again, this will be put to good use.”

Imahe mula sa Facebook page ng Memories of Old Manila

“I’ve been waiting to see this being restored, it is truly amazing to see people making effort to preserve Filipino heritage bit by bit. There would still be heaps of cultural heritage that is out there, left out, fell flat as the time goes by but we do appreciate the effort.”

“We should make this as the ‘Royal Albert Hall’ of the Philippines.”

Makasaysayan ang tanghalang ito dahil sa iba’t ibang mga lokal at international na dula at pelikulang naipalabas dito, tulad ng kauna–unahang first cartoon na “Mickey Mouse” sa Pilipinas sa ilalim ng LVN Pictures, na dinaluhan ni dating pangulong Manuel L. Quezon. Naging lugar–dausan din ito ng iba’t ibang mga award–giving at graduation ceremonies.

Public Domain Image