Maglaway sa “best taho in the Philippines” na nasa Pasay




Public Domain Image
  • Ibinida ng isang netizen ang masarap na taho sa Tiong Hwa na matatagpuan sa lungsod ng Pasay
  • Marami at malaki ang servings nito na nakalagay sa mga bowl
  • Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens

Mahilig ka bang kumain ng taho? Bitin ka ba sa tahong nasa baso lamang at tipikal na nilalako ng magtataho sa lansangan? Kung gusto mong kumain ng napakasarap na taho na may malaking servings, isang lugar lamang ang nararapat dayuhin: ito ay ang “Tiong Hwa” sa Cartimar, Pasay City.

Ibinida ng isang netizen na nagngangalang “Zachary Joshua Jamir” ang larawan ng malalaking mga bowl na kinalalagyan ng masarap na taho mula sa naturang kainan sa Cartimar, Pasay City. Mapapansin sa larawan na umaapaw sa taho ang mga bowl, bagay na sulit na sulit para mawala ang iyong cravings dito. Inilarawan ito ng netizen bilang “The best taho in the Philippines” ayon sa kaniyang Facebook post.

“Sa Tiong Hwa po ito sa Cartimar, Pasay, kahilera ng Savemore, malapit sa bilihan ng shoes. The best taho in the Philippines!”

Imahe mula sa Facebook account ni Zachary Joshua Jamir

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“Masarap ang taho. Pero parang nakakatakot, parang kumusta naman sa sakit na diabetes hahaha.”

“Yes daming klase ng taho ngayon, pero hindi kasingsarap noong unang panahon. Talaga namang nakakatakam at hindi masyadong matamis.”

“Masarap iyan, pero hindi ba mukhang nakakaumay naman?”

“Nakakain na ako diyan. Malinamnam at babalik–balikan mo talaga ang kanilang taho dahil malasa pero hindi nakakasawa at nakakaumay.”

Nakuha nating mga Pilipino ang pagkain ng taho dahil sa impluwensya ng mga Tsino sa bansa. Gawa ito sa tokwa, tinunaw na asukal o arnibal, at mga sago.

Public Domain Image

Batay sa mga nakaranas nang kumain ng taho sa Tiong Hwa, hind raw masyadong matamis ang arnibal sapagkat “semi–diluted” ito upang hindi agad maumay ang mga customer na kakain nito. Malaki kasi ang servings na nasa bowl na may kaparehang soup spoon.

Sa kabilang banda, hinay–hinay rin sa pagkain ng taho dahil anumang labis ay may dulot na epekto sa ating kalusugan.