Lungsod ng Maynila, ikatlo sa mga lungsod na mababa ang kalidad ng pamumuhay sa buong daigdig




Public Domain Image
  • Naglabas ng listahan ang Deutsche Bank ng mga lungsod na may pinakamababang antas o kalidad ng pamumuhay sa buong daigdig
  • Nasa pangatlong puwesto ang Maynila ng Pilipinas
  • Ang tatlong lungsod na may pinakamataas na antas o kalidad ng pamumuhay ay sa Zurich ng Switzerland, Wellington ng New Zealand, at Copenhagen ng Denmark

Pangatlo ang Maynila sa mga lungsod na may pinakamababang antas o kalidad ng pamumuhay sa buong daigdig; batay sa lumabas na survey ng “Deutsche Bank” na isinagawa noong Mayo 2019.

Ang tatlong lumutang na pangalan ng lungsod na may pinakamababang antas o kalidad ng pamumuhay ay ang Lagos ng Nigeria na nasa top 1, Beijing ng China na nasa top 2, at Maynila naman ng Pilipinas sa top 3.

Ang iba pang mga lungsod ay Dhaka ng Bangladesh, Jakarta ng Indonesia, Mumbai ng India, Rio De Janeiro ng Brazil, Cairo ng Egypt, Shanghai ng China, at Sao Paolo ng Brazil.

Imahe mula sa News 5

Ang tatlong lungsod naman na may pinakamataas na antas o kalidad ng pamumuhay ay sa Zurich ng Switzerland, Wellington ng New Zealand, at Copenhagen ng Denmark.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens.

“Panahon pa ni Erap ang pinagbasehan niyan, syempre ganun na nga ang ratings… ngayong panahon ni Mayor Isko meron na ring pagbabago pero malayo pa, marami pang kulang. Sana tuloy–tuloy lang.”

“This may be the truth to most people residing in Manila. People here work 8-10 hrs a day plus 2 to 4 hrs in transportation time then 6-8 hrs for sleep and the remaining time is allotted to personal care, family and other work related stuffs. Completely exhausting.”

“This is not true. I visited Cairo for at least a month and I saw that the quality of life in Manila is much better than even in Zamalek where I stayed.

“I’d be surprised if we are instead #3 on the list of the cities with the best quality of life next to Zurich and Vienna. Jeepney modernization nga lang inaayawan na eh, paano pa yung ibang quality upgrade na mas critical? We’re third world. There’s a long way to go. No need to rub it in our faces.”

Public Domain Image

Sa kasalukuyan, pursigido ang punong–lungsod ng Maynila na si Mayor Isko “Yorme” Moreno na mabago ang mukha ng Maynila na sinimulan niya sa mga clean–up drive sa napakaraming lugar sa naturang lungsod.