LizQuen, nagpalitan ng matatamis na mensahe sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo




Mga imahe mula sa Instagram account ni Liza Soberano
  • Taong 2014 nang mabigyan ng pagkakataon sina Liza Soberano at Enrique Gil na pagbidahan ang isang teleserye sa primetime bida ng ABS-CBN
  • Mula rito ay nagsimulang umusbong ang tambalang LizQuen kaya maituturing na limang taon na ang kanilang relasyon
  • Gayunman, noong 2016 lamang naging opisyal ang relasyon ng dalawa nang mag-18th birthday ang dalaga

“This is to us. I love you always and forever,” ito ang matamis na mensahe ni Liza Soberano sa kaniyang ka-love team at real life sweetheart na si Enrique Gil na mababasa sa Instagram account ng dalaga.

Imahe mula sa Instagram account ni Enrique Gil

May espesyal na mensahe rin si Enrique sa kaniyang “baby” na mababasa naman sa Instagram account ng binata.

“My always and forever. Happy anniversary. Thank you for always making me smile, baby. I love you so much,” sabi ng aktor na may kalakip na larawan ni Liza na halatang nag-dinner date sila.

Kinakiligan ng kanilang mga fans ang kasweetan sa isa’t isa ng celebrity couples na kamakailan lamang ay nag-trending din sa kanilang Star Magic Halloween costume bilang White Chicks.

Nitong Oktubre 24 ay nagdiwang ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkasintahan sina Liza at Enrique. Kahit binati sila ng kanilang mga fans ng “Happy 5th anniversary” ay 2016 lamang naging opisyal ang kanilang relasyon at iyon ay nang tumuntong na si Liza sa pagkadalaga (18 years old).

Ayon sa report ng Pep, Pebrero ng taong kasalukuyan lamang umamin sina Liza at Enrique na dalawang taon na ang kanilang relasyon.

Ang LizQuen love team ay unang napanood sa telebisyon nang mabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng sariling teleserye sa primetime bida ng ABS-CBN noong 2014—ang Forevermore. Nasundan pa ito ng kanilang pelikula na Just the Way You Are noong 2015.

Imahe mula sa Instagram account ni Liza Soberano

Sila rin ay isa sa mga popular love teams ngayon na hinahangaan ng kanilang mga fans dahil marami nang pagkakataon na pinatunayan ng dalawa na hindi lamang pang-showbiz ang kanilang pagmamahalan.

Higit sa lahat, si Liza pa rin ang tunay na Darna sa buhay ni Enrique.