Lalaking gumamit ng kawayan bilang kaniyang improvised leg, kinaantigan at hinangaan ng mga netizens




Mga imahe mula sa Facebook account nina Darius Senillo at Sheena Ituriaga Gallego
  • Viral ang mga larawan ng isang lalaki na gumamit ng kawayan bilang improvised leg
  • Maraming netizens ang naantig ang damdamin sa kalagayan ng lalaki na tatlong taon nang gumagamit ng kawayan bilang kaniyang kaliwang binti
  • Sa kabila ng kalagayan, nagsilbi pa ring inspirasyon ang tibay ng loob na taglay ng lalaki

Isang netizen ang nagbahagi ng larawan sa Facebook ng isang lalaking kaniyang nakasakay sa jeep noong Martes, Oktubre 8, sa Iloilo City. Ang lalaki ay gumamit ng kawayan bilang improvised leg upang magsilbi bilang kaniyang kaliwang binti.

Imahe mula sa Facebook account ni Sheena Ituriaga Gallego

Sa orihinal na larawan na in-upload ng netizen na si Sheena Ituriaga Gallego, humingi ito ng pasensiya sa lalaking nasa larawan dahil piniktyuran niya ito nang walang pahintulot.

“Sorry po if nagkuha po ako ng picture without your permission. It’s really heartbreaking to see you kuya,” pambungad na caption ni Gallego.

Ayon pa sa orihinal na caption, nakasakay si Gallego sa jeep nang mapansin niya na ang kaliwang binti ng lalaki ay improvised leg na gawa sa kawayan o pusog para lang makalakad ito nang normal. Naluha rin umano siya nang makitang mag-isang naglalakbay ang lalaki.

Ang lalaki sa larawan ay kinilalang si Darius Senillo. Ayon sa report ng Philippine Star, napaluha umano si Gallego nang makita ang kalagayan ni Senillo. Gayunman, kaakibat ng pagkaawang iyon ang paghanga sa katatagan ng kalooban ng lalaki.

Sinabi pa umano ni Gallego sa report na ipinanganak si Senillo na walang kaliwang paa at ang paggamit ng bamboo tubes ay ginagawa na nito sa loob na ng tatlong taon.

Imahe mula sa Facebook account ni Darius Senillo

Samantala, ang mga nais tumulong kay Senillo ay maaaring direktang kumontak sa kaniya sa numerong 09505532131.

Agad na nagviral ang mga larawan ni Senillo at maraming netizens ang nanawagan ng tulong para rito. Hangad ng marami na mabigyan si kuya ng tunay na prosthetic leg upang makatulong sa kanya sa mas maayos na paglalakad at pagkilos.