Kim Chiu, Maymay Entrata at Yassi Pressman, nagpatalbugan sa sayawan




Public Domain Image
  • Pinag–usapan ng netizens ang patalbugan sa sayawan nina Kim Chiu, Maymay Entrata, at Yassi Pressman 
  • Bahagi ito ng isang segment sa musical variety show na ASAP Natin ‘To
  • Kaniya–kaniyang pagtatanggol ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta kung sino sa kanilang tatlo ang nangibabaw sa dance floor

Nagpatalbugan sa hatawan at sayawan ang tatlong aktres na sina Kim Chiu, Maymay Entrata, at Yassi Pressman sa isa sa mga segment ng musical variety show na “ASAP Natin ‘To” noong Linggo, Oktubre 28, 2019.

Pinainit ng tatlo ang tanghalian dahil sa kanilang pasiklaban sa sayawan. Ang tanong: Sino nga ba sa kanilang tatlo ang nangibabaw sa dance floor ng ASAP Natin ‘To? Nagbigay naman ng komento rito ang mga tagahanga ng tatlong artista. Kaniya–kaniya silang pagpapahayag ng suporta sa kanilang mga idolo.

Iclick ang imahe para mapanood ang video mula sa ABS CBN News

“Yassi is incomparable! I love Maymay too. I guess its just a wrong choice of music.”

“Same naman silang magagaling. Si Yassi may swag talaga. Si Maymay naman, smooth ang galaw and graceful. Si Kim naman, cute ang swag.”

“For me (my own opinion) lang po, sila po ay good dancers, yes they can dance pero the fact na si Ms. Yassi, kumbaga certified dancer na siya. They are good dancers in their own way po.”

“Of course Yassi is the best dancer for me in ABS, though hindi siya masyadong napapansin minsan kasi marami mas nauna sa kanya, she’s very talented and total performer: she can sing, dance and even act, plus points pa she’s so pretty, charming and sexy.”

“Nasurprise talaga ako kay Maymay ang galing din pala sumayaw. Pati rin si Yassi magaling din napaka–graceful sumayaw kasi dancer talaga siya, at syempre ang galing din ni Chinita Princess Kim ang hot niya.”

Public Domain Image

Si Yassi Pressman ay talagang dancer habang sina Kim Chiu at Maymay Entrata naman ay humusay dahil sa kanilang pagpupursige.