Kapag nawala ang ganda at yaman: Lolit Solis may makabuluhang mensahe para sa Barretto Sisters




Mga imahe mula sa Instagram accounts ng Barretto Sisters
  • Marami na ang nasasangkot sa alitan ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine
  • Damay na rin ang mga ‘strong, powerful, at influential men’ sa kanilang buhay
  • May makabuluhang mensahe naman sa kanila ang talk show host at entertainment news writer na si Manay Lolit Solis

Gustuhin man nila o hindi, nadawit na ang pangalan ng mga negosyanteng sina Tonyboy Cojuanco at Atong Ang; maging ang dating Caloocan City Mayor Recom Echiverri sa sinasabing isa sa maiinit na mga tagpo sa Philippine showbiz industry.

Imahe mula sa Instagram account ni Lolit Solis

Ayon nga sa Instagram post ni Lolit Solis: “[Ang] naganap sa wake ni Papa Mike Barretto will be one of the longest news na pag-uusapan sa showbiz.”

“Ngayon, may dagdag pang side story na magaganap dahil nagbanta na si Marjorie Barretto na magsasalita tungkol sa ‘influential bad boyfriend’ ng kanyang sister. At nagsabi na rin si Gretchen Barretto na she will open all the secrets why nagkagulo silang lahat,” dagdag pa ni Manay Lolit.

Ayon pa sa batikang talk show host, para nang isang brand sa showbiz ang controversial family. Swak para tawaging “the Barretto’s” lalo pa’t magaganda ang kanilang mukha.

Sa kabila nito, naging makahulugan ang isa pang Instagram post ni Manay Lolit tungkol sa pisikal na kagandahan.

“Tatanda ka at sa pagtanda mo hindi ka na rin ganun kaganda. At pag nawala iyong ganda mo, puwede rin mawala iyon protector mo, iyon sponsor mo, iyon nagmamahal sa iyo at hahanap ng mas bata at maganda. I am thinking of the Barretto sisters,” sabi ni Manay.

Sabi pa ni Manay Lolit, tatanda at maaari ding mawala ang anumang tinatamasa ng magkakapatid ngunit binigyan-diin din niya kung iyon kaya ang tamang panahon para magkaayos at mapanumbalik ang closeness ng mga ito.

Iclick ang imahe para sa buong post ni Lolit Solis

“Iyon time na wala na iyon tinatamasa nila na yaman sa ngayon, iyon luxury, iyon privileges, pag wala na lahat iyon, mabalik na kaya sa dati ang sisterly love nila, iyon panahon tinutulungan ng mas meron iyong wala na sister?” makahulugang tanong ni Manay.

Kung wala na ang ‘yaman’ na sumusuporta sa kanila, magawa kaya nilang lapitan at kapitan ang isa’t isa?

Pagtatapos ni Manay Lolit: “Iyon back to basic, when they are helping each other dahil hindi pa ganun karami ang meron sila. Iyon na kaya ang solusyon?”