Kadenang Ginto Star Andrea Brillantes, nasimulan nang ipatayo ang dream house




Image capture mula sa YouTube channel/Public Domain Image
  • Ibinida ni Andrea Brilliantes ang ipinagagawa niyang bahay
  • Binubuo ito ng tatlong palapag at may swimming pool pa
  • Para daw ito sa kaniyang pamilya

Isa sa mga sikat na young actresses ngayon ay si Andrea Brillantes na gumaganap bilang “Marga” na anak naman ni Daniela Mondragon na ginagampanan ni Dimples Romana sa patok at pinag–uusapang teleserye na “Kadenang Ginto” sa ABS–CBN Kapamilya Network.

Matagal na rin naman sa showbiz si Andrea, lalo pa’t bumida na rin siya sa teleseryeng “Maria Flordeluna” at napasama sa remake ng teleseryeng “Pangako Sa ‘Yo”, ngunit mas nakilala siya ngayon bilang kontrabida sa buhay ni Cassie, ang anak ni Romina Mondragon na ginagampanan naman ni Beauty Gonzales.

Kaya naman hindi nakapagtatakang nakaipon na siya ng sapat na pera upang maipatayo ang kaniyang “dream house”. Sa isang YouTube video na may pamagat na “Project H”, sabik na ibinahagi ng Kapamilya star na ipinapatayo niya ang pangarap na bahay na may tatlong palapag para sa kanyang pamilya.

“Ito ‘yung first time na nakapunta ako dito kasi sobrang hectic ng shedule, pero napakasaya ko kasi lahat ng paghihirap ko napupunta dito. So worth it din lahat,” saad ni Andrea sa video.

Image capture mula sa YouTube channel

May tig-iisang kuwarto para sa kanyang mga kapatid at isang maliit na swimming pool rin ang nakaabang para sa kanilang bagong bahay.

Matatandaang inamin ni Andrea sa isang panayam na pangarap niyang itira sa isang subdivision ang kanyang buong pamilya na unti-unti niyang tinutupad ngayon.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga netizens kay Andrea.

“You’re a great daughter, Andrea. God bless you and your family!”

“God bless maging mapagmahal ka sa iyong magulang, aasenso ka talaga kaya good luck…”

“Well–deserved naman si Andrea sa lahat ng mga tinatamasa niya ngayon. Maging mabait at mapagmahal na anak ka sa iyong mga magulang at gagantimpalaan ka. Huwag intindihin ang mga walang magawa sa buhay.

Panoorin ang video ni Andrea Brilliantes via YouTube channel: