Joshua Garcia, bumida ang ngiti sa pa-kiddie party sa kaniya ng mga fans




Imahe mula sa Instagram account ni Joshua Garcia
  • Last year ay kasama pa ni Joshua Garcia si Julia Barretto nang magdiwang siya ng 21st birthday
  • Sawi man ngayon sa kaniyang love life, marami pa ring dapat ipagpasalamat ang aktor dahil nananatiling loyal sa kaniya ang mga fans at pamilya
  • Bumida nga ang kaniyang ngiti sa isang kiddie party na inihandog ng mga fans

Nananatiling wholesome ang image ni Joshua Garcia na ngayon ay 22 years old na. Nitong Oktubre 7, binigyan siya ng birthday treat ng kaniyang mga fans — ang Tropang Joshua — kung saan isang kiddie party ang inihandog nila sa aktor.

Imahe mula sa Instagram account ni Joshua Garcia

“There is no greater gift than having you as our only source of inspiration. 22 years of life we all are thankful for, appreciation, happiness, love and understanding we will never forget cause that is how you made us feel,” ayon sa isang Instagram post ng Tropang Joshua.

Naka-move-on man o hindi pa mula sa hiwalayan nila ni Julia Barretto, nananatiling positibo at masayahin si Joshua dahil nariyan ang kaniyang mga kapamilya at mga tunay na kaibigan.

“Every moment with you is worth remembering, you don’t stop laughing and smiling, cause we will be here all day long cheering out for you with love and support,” dagdag pa ng mga fans.

Samantala, nagdiwang din si Joshua ng kaniyang kaarawan sa “Magandang Buhay” kung saan naging emosyonal siya nang magpadala ng liham ang kaniyang ina. Hindi lingid sa madla ang relasyon ng aktor sa kaniyang mga magulang na matagal nang hiwalay.

Imahe mula sa Instagram account ni Joshua Garcia

Sa liham, inihayag ng kaniyang ina kung gaano niya kamahal ang anak. May kasama rin itong ilang pahina mula sa isang aklat tungkol sa paggawa ng pelikula; kung saan alam ng kaniyang nanay na  pangarap ni Joshua na makapag-aral ng filmmaking kung mabibigyan ng pagkakataon.

Pangarap ni Joshua na makapagdirek ng pelikula at kung matutupad ito ay nais niyang simulan ito sa pagdirek ng isang music video.

Malaki naman ang pasasalamat ng aktor sa kaniyang pamilya, lalo na sa kaniyang tatay at lola na nagpalaki sa kaniya.

Sana ay patuloy na yumabong ang career ni Joshua at manatili siyang loyal sa mga taong hindi nang-iwan sa kaniya.