Jane De Leon, nag-ala Lara Croft muna bago sumabak bilang Darna




Mga imahe mula sa Facebook page ni Jane De Leon
  • Nadala ni Jane De Leon ang kaniyang kaastigan bilang Darna sa Black Magic Halloween Party ng ABS-CBN Star Magic
  • Nag-costume kasi siya bilang si Lara Croft ng pelikulang Tomb Raider
  • Makikita ring nag-improve ang kaniyang tikas na babagay sa kaniyang pagganap bilang Darna

Bago lumipad bilang Darna, ipinakita muna ni Jane De Leon ang kaniyang kaastigan bilang Lara Croft sa kauna-unahang Black Magic Halloween Party ng ABS-CBN Star Magic na idinaos noong Linggo ng gabi, Oktubre 20.

Maraming netizens ang napahanga sa kaastigan ng awra ni Jane at may nagkomento pa na siya ang teen version ni Angelina Jolie bilang Lara Croft.

Imahe mula sa Facebook page ni Jane De Leon

Masasalamin din sa larawan ni Jane bilang Lara ang ilang improvement sa kaniyang pangangatawan. Noong Setyembre ay nagsimula na rin kasi ang training ni Jane bilang Darna.

“Ngayon nagte-training ako for body muna, assesments. So hindi pa ako nakakapag-stunts training,” sabi ni Jane sa isang panayam noong ABS-CBN Star Magic Ball.

Paliwanag pa niya, hindi lamang dapat pokus sa kaniyang pisikal na pangangatawan ang kaniyang mga gagawing paghahanda bilang Darna.

“Hindi naman puro body lang. Yung mind, spirit, emotionally kailangan din ’yon. Nagtatanong din naman ako kay Direk kung may mga kailangan ba akong malaman for this project,” dagdag nito.

Aktibo at ine-expose na rin si Jane sa mga social gathering tulad ng pagdalo niya sa Red Charity Gala noong Oktubre 12. Ito ay isang charity ball ng Red Cross kung saan nagningning siya suot ang glamorous golden gown na disenyo ni Rojo Laurel. Nakasama rin niya rito ang malalaking bituin sa Philippine fashion industry.

Imahe mula sa Facebook page ni Jane De Leon

Samantala, ilan sa mga kapamilya stars na dumalo sa nasabing Halloween party ay sina Dimples Romana bilang Maleficent, Kim Chiu bilang zombie, at John Lapus bilang Vice Ganda!

Nanalo naman sina Kathryn Bernardo bilang Poison Ivy at Daniel Padilla na nagsuot ng full human eye head mask.

Click the image to watch the video