“Gilingang–Bato”, nakagamit ka na ba nito?




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Pinag–usapan sa social media ang larawan ng isang gilingang–bato o grinder
  • Ginagamit ito sa paggawa ng malagkit o kakanin
  • Nagbigay ng reaksyon ang netizens hinggil dito

Dulot ng makabagong teknolohiya at panahon, marami sa mga lumang bagay o kasangkapan ang nawalan na ngayon ng gamit at tila naisantabi na lamang. Kung hindi nasa bodega o basement ng bahay, tuluyan na itong itinatago o kaya ay itinatapon. Katulad na lamang ng lumang kasangkapan na gilingang-bato.

Ang gilingang-bato ay matandang kagamitan sa paggawa ng iba’t ibang mga kakanin gaya ng puto, gurgorya, galapong, palitaw, at marami pang iba. Kadalasan itong nakikita at ginagamit sa mga lalawigan noon. Kaya naman, nabuksan ang kuryosidad ng mga netizens sa larawang makikita sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na nagpapamalas ng isang gilingang–bato.

Ayon sa caption: “Gamit noong unang panahon ang gilingang-bato… sino ang nakaranas gumamit nito?”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nagbigay naman ng komento rito ang mga netizens.

“Iyan ang una naming gilingan ng bigas sa paggawa ng puto noon. Hanggang ngayon, may ganyan pa sa bahay ng biyenan ko.”

“Mali ang pagkakapatong ng ibabaw, paano masusubuan ng malagkit na gigilingin iyan, dapat hindi ganyan ang butas sa ibabaw siguro nabaligtad.”

“Hindi ko na–experience makahawak niyan pero nakikita kong ginagamit ng lola ko (sa father side) kapag naggigiling ng binabad na butil ng bigas na malagkit, na nagiging galapong at ginagawang bilo–bilo, palitaw. Kaya ang sakit siguro ng kilikili ng mga lola ko noon.”

“Ako mismo, ginagamit ko iyan noon, pinapagiling ako ng lola ko sa Pampanga at inuwi namin sa Pasay at gamit pa rin namin ng lola ko ngayon,  hinihiram pa ng mga kapitbahay namin. Ngayon iba na,  blender na ang uso.”

Public Domain Image

Isang maikling kuwento naman ang naisulat ni Edgardo Reyes, isang batikang kuwentista at nobelista, hinggil sa gilingang-bato. Ayon sa kuwento, ito ang ginamit ng ina upang mabuhay ang kaniyang mga anak nang yumao ang kaniyang asawa. Sa pagkawala ng ina, hindi man lamang naalala ng mga anak na kunin ang gilingang-bato bilang recuerdo o kagamitang alaala ng kanilang ina.

Source :

Facebook