Childhood memories: Matandang “B1” at “B2” kinaaliwan




Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Public Domain Image
  • Nagdulot ng aliw at paggunita sa nakalipas ang lumang larawan ng palabas na “Bananas in Pyjamas”
  • Makikita sa larawan na tumanda at nagkaedad na ang kambal na saging na sina B1 at B2
  • Marami sa mga netizens ang nakarelate at nagbigay ng reaksyon hinggil dito

Kung ikaw ay batang 90’s, tiyak na isa ka rin sa mga naaliw at nakitawa sa kambal na saging sina B1 at B2 sa pambatang palabas na “Bananas in Pyjamas”.

Kinaaliwan ng mga netizen ang larawan ng tumanda at nagkaedad na sina B1 at B2 na ibinahagi ng isang Facebook user sa Facebook page na “Memories of Old Manila”.

Ayon sa Facebook post ni Juvie Rama Maghanoy, pinatunayan daw nina B1 at B2 na may “forever” dahil kahit tumanda na sila, magkasama pa rin sila.

“May forever pala… tumanda na sila pero hanggang ngayon magkasama pa rin.”

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens, lalo na ang mga batang 90’s na nakapanood sa kanila noon.

“Ganyan sana kahit sa pagtanda nila eh magkasama pa rin… favorite ko ito dati, kasama ang iba pang karakter na sina Lulu, Amy, Morgan, at Doding Daga.”

“Sila B1 at B2 laging magkasama sa lahat ng oras laging masaya… senior citizens na nga lang ang mga saging hahaha, ano kaya ang hitsura ng iba?”

“Nakakamiss naman ang mga ganiyang panoorin. Kahit limang minuto lang yata iyan, talagang nakaaaliw at napagdudulot ng ngiti sa mga labi, lalo na sa mga bata. Sana maipanumbalik ang mga ganiyang panoorin sa telebisyon.”

“Bakit hindi nabulok ang mga saging? Hahaha. Sana maibalik iyan o i–remake para mapanood ng bagong henerasyon at nang may matutuhan naman silang moral lessons.”

Ang iba pang mga karakter ay ang magkakapatid na teddy bears na sina Amy, Lulu, at Morgan at ang tinderong si Doding Daga o si Rat in a Hat.

Public Domain Image

Ang “Bananas in Pyjamas” ay isang Australian children television series na napanood sa Pilipinas sa pamamagitan ng ABS–CBN Channel 2. Pinagbibidahan ito ng dalawang kambal na saging na sina B1 at B2 na halos nagkakapareho ng iniisip.