Bagong tourist attraction na “Sea of Clouds”, nakaka–proud




Imahe mula sa Facebook account ni Mark Arcelona/Public Domain Image
  • Pinagkakaguluhan ngayon ang bagong tourist attraction na Sea of Clouds
  • Matatagpuan ito sa Binuangan sa Dupax Del Norte sa lalawigan ng Nueva Vizcaya
  • Panawagan ng ilang mga netizens na pahalagahan ang kalikasan at huwag namang mag–iwan ng mga kalat sa kalsada

Pinag–uusapan ngayon ang bagong tuklas na tourist attraction na “Sea of Clouds” na matatagpuan sa village ng Binuangan sa Dupax Del Norte sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Mula sa National Road ay makikita ang tila dagat na mga alapaap na talaga namang makapigil–hininga batay na rin sa pagbabahagi ng mga netizens na nakarating na mismo rito.

Imahe mula sa Facebook account ni Mark Arcelona

Sabi ng netizen na si Mark Arcelona na isa sa mga nagbahagi ng mga larawan ng Sea of Clouds sa kaniyang Facebook post, napakasarap pagmasdan ng nilikha ng Diyos mula sa itaas.

“When we feel stuck, look at the sky. The clouds remind us that everything changes. Ang sarap magkape habang pinagmamasdan ang niliha mo Ama! Tunay na ikaw ay mabuti!”

Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens.

“Wow ang ganda naman… kapag nandiyan ka, for sure mapapahalagahan mo ang gawa ni God at pupurihin Siya sa kaniyang kadakilaan. Napakaganda!”

“Sana lang yung mga nagpupunta diyan ay hindi magkalat. Maappreciate nila ang ganda ng nilikha ng Diyos pero please lang, sana huwag silang mag–iwan ng anumang kalat.”

Imahe mula sa Facebook account ni Mark Arcelona

“Parang sa Tagaytay lang at Tanay, Rizal. May ganiyan ding sceneries na talaga namang makapigil–hininga. Tiyak na makikinabang dito ang local government ng Nueva Vizcaya.”

“Hope to see this beautiful Sea of Clouds next year… See you soonest my beloved province!”

“Because of this post, my life has changed, thank you for the love and the joy you bring, Sea of Clouds!”

Ang sea of clouds ay pagsasama–sama ng mga ulap sa itaas o tuktok na bahagi ng bundok o burol na maaaring dulot ng malamig na klima.