All-gender restrooms, magkakaroon na sa SM Supermalls




Imahe mula sa official website ng SM Supermalls/Public Domain Image
  • May “all-gender restrooms” na sa ilang mga piling premier branch ng SM Supermalls
  • Makikita ito sa SM Mall of Asia, SM City North EDSA, SM Megamall, SM Aura Premier, The Podium, at SM Seaside City Cebu
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa mga netizens

Magkakaroon ng “All-gender restrooms” sa mga piling premier branch ng SM Supermalls na magsisimula na sa paparating na Nobyembre 2019 batay sa kanilang pahayag sa opisyal nilang Facebook page.

Ayon sa kanilang Facebook post, makikita ito sa SM Mall of Asia, SM City North EDSA, SM Megamall, SM Aura Premier, The Podium, at SM Seaside City Cebu. Pinahahalagahan daw ng SM Supermalls ang “gender-inclusive community”.

“All-gender restrooms will be installed in our malls starting with our premier malls across Metro Manila starting November. Let’s continue to provide a safe community space that advocates inclusivity, equality, and respect for all.”

Imahe mula sa official website ng SM Supermalls

Matatandaang nagsimula ang panawagan sa pagkakaroon ng mga “gender–neutral restrooms” dahil sa insidenteng kinasangkutan ng isang transgender woman na pinagbawalang gumamit ng palikuran ng babae sa isang mall sa Cubao, Quezon City noong Agosto 2019.

Umani naman ng reaksyon mula sa netizens ang aksyong ito ng SM Supermalls.

“Also in NAIA I have seen that kind of signages….”

“Hopefully hindi na-compromise yung CR for PWD, baka kasi yung CR for PWD ginawang for all gender na lang. Dapat diaper changing station na lang inuna.”

“Malls are now pressured to do the same because of this heightened issue. Tsk!!! Ano kaya ang mangyayari. I guess we’ll find out in the next coming days…”

“Lahat po tayo may karapatang gumamit ng CR. Kahit sino ka man, kahit may kapansanan o wala, buntis, trans, matanda, bata. Huwag ho sana nating ipagdamot ang pag–ihi at pagdumi, at parang awa ninyo na, may salamin sa CR, hindi ba? Tingnan ninyo muna sarili ninyo bago sabihin na kamanyak–manyak kayo.”

“Additional restrooms sa kababaihan din sana. Haba ng pila nila lagi.”

Public Domain Image

“Ganito yung PWD na restroom sa dati kong office. Gender neutral na rin. Sana lang matuto mag–give way sa mga senior at PWD pagdating sa paggamit niyan.”

“Thank you for respecting boundaries/privacy and personal spaces SM.”

Inaasahang magagamit na ang mga all–gender restrooms sa mga nabanggit na branches ng SM Malls sa Nobyembre 2019.