‘Walang kupas!’ Video ni Manilyn habang kumakanta ng Christmas song, nag-viral




Images via Manilyn Reynes | IG/FB
  • Viral ngayon sa Facebook ang video ng singer-actress na si Manilyn Reyes habang kumakanta ng Christmas song
  • Wala pa rin daw kupas ang tinig ng aktres na tinaguriang “Star of the New Decade” ng Pilipinas
  • As of posting, nakakuha na ito ng mahigit 11,000 shares, lampas 199,000 reactions, at halos two million views

Simula sa pagkabata ay hinahangaan na ng marami ang husay sa pag-awit ng tinaguriang “Star of the New Decade” ng Pilipinas na si Manilyn Reynes; mula sa mga pagkanta sa lugar nila bago niya pasukin ang mundo ng showbiz hanggang sa maraming beses na pag-angkin niya ng entablado noong naging isa nang professional singer-actress.

Image via Manilyn Reynes | Instagram

At ngayon, viral si Reynes sa Facebook, dahil sa napakagandang cover niya ng Christmas song na “Have Yourself a Merry Little Christmas”. Wala pa rin daw itong kupas, ayon sa mga taong napapakinggan na siya noon pa; habang naging mga instant fan naman ang younger netizens na ngayon lamang narinig ang tinig niya.

As of posting, nakakuha na ang video ng mahigit 11,000 shares, lampas 199,000 reactions, at halos two million views.

Manilyn Reynes: Ang “Star of the New Decade”

Unang lumabas si Reynes bilang isang child actress sa 1983 film na “To Mama with Love”. Pagkalipas ng isang taon, nakamit niya ang kanyang unang Best Child Actress award para sa pelikulang “Minsan May Isang Ina”, kung saan niya ginampanan ang papel ng isang batang mayroong epilepsy.

Noong 2007, ipinagdiwang niya ang kanyang ika-25 taon sa showbiz sa pamamagitan ng isang concert sa Aliw Theatre.

Simula 2010 hanggang sa kasalukuyan ay ginagampanan niya ang papel ni Elsa sa “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kwento”. Si Elsa ang maybahay ng karakter ng bidang si Pepito, na karakter naman ng popular comedian na si Michael V.

Damhin ang papalapit na Pasko sa bersyon ni Manilyn Reynes ng “Have Yourself a Merry Little Christmas”:

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Samantala, narito ang kanyang version noong bata pa siya sa video na ibinahagi ni doccidental via YouTube. Magaling na talaga siyang umawit noon pa man.