Video ng isnaberang ‘tarsier’, kinaaliwan online




Imahe mula kay Royce Glanida | Facebook
  • Viral ang video ng isang netizen kung saan mapapanood ang isnabera ngunit nakaaaliw na ‘tarsier’
  • Nakunan niya ito habang namamasyal kasama ang kaniyang mga kaibigan sa Tarsier Conservation Area sa Loboc, Bohol
  • Marami naman sa mga nakapanood ang nagpahayag ng kanilang pagkatuwa matapos mapanood ang video

Kinaaliwan ang video ng isang netizen kung saan nakunan niya ang kakaibang ‘tarsier’ habang siya ay namamasyal sa Tarsier Conservation Area sa Loboc, Bohol.

Imahe mula kay Royce Glanida | Facebook

Sa viral post ni Royce Glanida sa Facebook noong September 4, mapapanood ang isang lalaki na nag-ala tarsier para pasayahin ang netizens.

“E, iyon isnabera iyong tarsier,” ayon sa caption ng Facebook video ni Royce.

Sa unang parte ng video, makikita ang isang tunay na tarsier na nakatalikod sa camera. Bigla na lamang tumutok sa may kaliwang parte ang camera at saka nakunan ang isang lalaki na ginagaya ang pagtingin at kilos ng isang tarsier.

Sumandal pa ito sa sanga ng kahoy at saka nagpapikit-pikit na talaga namang kinatuwaan sa social media.

Dahil sa kakaibang saya na dulot ng video ni Royce, marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng pag-iwan ng mensahe sa comment section.

“Kaloka kakaiba ang tarsier na iyan. Hanapin ko nga iyan pagpunta ko diyan,” ani CAA.

“Ang aga ko natawa dito. Hahaha! Ang laki po ng tarsier. Miss you all, bebe,” sabi naman ni KV matapos mapanood ang video.

“Puyat kasi iyang tarsier. Bibisita ako diyan ulit, guys,” sabi naman ni YG.

I-click ang imahe para mapanood ang video

Kinilala naman ang taong nagpasaya online sa kaniyang Facebook name na Humpy Dampi Xander na isang host at comedian. Sa kasalukuyan ay umabot na sa 12,000 likes at 12,000 shares ang nakaaaliw na video ni Humpi Dampi sa Facebook.

Source :

Facebook