Then and now: Child stars ng 90s series Marinella, kumusta na kaya?




Images via ABS-CBN, Camille Prats, Shaina Magdayao, and Serena Dalrymple
  • Pinagbidahan ang teleseryeng “Marinella” ng ilan sa pinakamahuhusay na child stars noong dekada 90
  • Kabilang sa main cast sina Camille Prats, Shaina Magdayao, at Serena Dalrymple
  • Tumakbo ang palabas simula 1999 hanggang 2001

Tampok sa 90s television series na Marinella ang ilan sa pinakamahuhusay na child stars ng kanilang panahon. Kumusta na nga ba ngayon ang main characters na sina Camille Prats, Shaina Magdayao, at Serena Dalrymple?

Image via ABS-CBN

Then: Marinella, ang hit television series simula 1999 hanggang 2001

Nagsimulang umere noong 1999, ang “Marinella” ay naging popular na drama series sa ABS-CBN. Bukod sa kuwento nito, tumatak din sa tao ang pagganap ng mahuhusay na child stars na sina Camille (Marie), Shaina (Rina), at Serena (Ella). Sila ay gumanap bilang matalik na magkakaibigan na magkakasamang hinarap ang lahat ng hamon ng mundo, kabilang na ang mga plano ng kontrabidang si Katrina, na ginampanan ni Rio Locsin.

Kabilang din sa cast sina Eula Valdez (Bebeng), Raymond Bagatsing (Leo), at Rita Avila (Marisa); pati ang mga artistang iniwan na ang showbiz, katulad ng ka-love team ni Camille na si Stefano Mori (Jun) at 90s idol na Bojo Molina (Ron).

Taong 2001 nang magwakas ang seryeng ito.

Now: Marinella’s main stars pagkalipas ng halos 2 dekada

Marie – Aktibo pa rin sa showbiz ang 34-anyos nang si Camille; na bukod sa pag-arte ay naging isang host na rin. Happily married na ang child star noon na sumikat din bilang ang munting prinsesa na si Sarah. Pinagkakaabalahan din niya sa kasalukuyan ang pagpapatakbo ng kanilang family-owned school na Divine Angels Montessori of Cainta, Inc. sa may Rizal.

Image via Camille Prats | Instagram

Rina – Patuloy pa rin sa pag-aartista ang dating child actress na si Shaina na ngayon ay 29-anyos na. Isa sa mga kasalukuyan niyang proyekto ang television series na “Nang Ngumiti ang Langit”. Tampok din siya sa original series ng iWant na “Past, Present, Perfect?”

Image via Shaina Magdayao | Instagram

Ella – Nakabase na ngayon sa US si Serena na 29-anyos na. Malayo man sa ilaw at kinang ng showbiz ay nananatili pa rin siyang nagniningning. Kumuha siya ng master’s degree sa Hult International Business School sa London; naging parte ng Paramount Pictures sa Los Angeles bilang Sourcing Analyst simula 2014 hanggang 2016, na-hire bilang manager sa sikat na media network sa US na Viacom, at iba pa.

Ibinabahagi rin niya ang mga larawang siya ang kumuha sa kanyang website na sgdal.com. Mayroon na ring special someone ang dating cute na cute na bata lamang. Nitong Hulyo ay nagdiwang sila ng kanilang anibersaryo.

Image via Serena Dalrymple | Instagram