Sitti Navarro, handa na muling iparinig ang musika sa international jazz festival sa Malaysia




Imahe mula kay @bossagurl | Instagram
  • Panandaliang ipinagpaliban ni Sitti Navarro ang kaniyang karera sa musika upang unahin ang kaniyang pamilya
  • Naniniwala ang singer na kung para sa kaniya ang naiwanang karera ay matutupad pa rin ang mga pangarap niya pagdating sa musika
  • Nakilala si Sitti sa pagiging bossa nova singer dahil sa kaniyang malamig at malumanay na boses sa pagkanta
Imahe mula kay @bossagurl | Instagram

Kasalukuyang nakasentro ang buhay ng bossa nova singer na si Sitti Navarro sa kaniyang pinakamamahal na pamilya. Aminado ang kilalang singer na maraming nabago sa kaniyang buhay simula nang siya ay magkaroon ng pamilya.

Sa kaniyang panayam sa programa ng ABS-CBN na Magandang Buhay, excited na ibinalita ni Sitti ang plano niyang paglahok sa international jazz festival na gaganapin sa Malaysia sa darating na September 28.

Inamin ng singer na panandaliang nawala sa isip niya ang pagkanta lalo na nang magkaroon siya ng sariling pamilya. Hindi niya rin umano niya naisip na mabibigyan siyang muli ng pagkakataon na makatuntong sa entablado at maiparinig muli ang kaniyang musika sa maraming tao.

“Naniniwala ako na lahat ng pangarap natin, kung para sa atin talaga siya, mangyayari siya,” ani Sitti.

“Sobrang ‘yun ang dream come true ko, na pangarap ko siya years back even before I got married I think, tapos nakalimutan ko na. And then ngayon na puyat-puyat ako na hindi ko na iniisip ang musika ko biglang ngayon siya ginantimpala ng Panginoon, so sobrang thankful ako.”

Inalala rin ni Sitti ang kaniyang mga naging karanasan bago pa man siya magkaroon ng anak.

“2018 ako nabuntis but month before that nag-release ako ng ‘Electro Sitti’ na album. Sobrang iba siya, siyempre kilala ako sa bossa nova and I did this experimental album which is electronic music na sobrang excited ako gawin,” kuwento ng singer.

Imahe mula kay @bossagurl | Instagram

“Months before that nag-release ako ng All original. Handa na akong mapuyat kasi may club tour, pero ‘yun pala ‘yung plano ni Lord for me na puyat ay dahil sa baby.”

“Hindi man nangyari ‘yung club tour na ‘yun may iba namang plano si Lord for me, which is this coming September 28, I’ll be participating in an international jazz festival in Malaysia,” excited na sinabi ni Sitti.

Source :

ABS-CBN