Silipin ang trending na larawan ng ex-couples na sina Pops Fernandez at Martin Nievera; Sharon Cuneta at Gabby Concepcion




Larawan mula sa Instagram account ni Pops Fernandez
  • Trending ngayon ang larawan ng ex-couples na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion; Pops Fernandez at Martin Nievera nang magkakasama
  • Kuha ito sa isang event para sa pagdiriwang ng Teacher’s Day kung saan guest ang apat
  • Maraming fans nila ang natuwa sa magandang relasyon ng apat kahit nagkahiwalay bilang mag-asawa

Hindi man nagkatuluyan, nananatili namang mabuting magkaibigan ang ilang dating couples sa showbiz. Ang ilan sa kanila, minsang nagsama pa sa ilalim ng isang bubong bilang mag-asawa, ngunit nauwi sa hiwalayan pero nananatili ang magandang samahan.

Ilan sa mga ito ay ang parehong powerhouse couples na sina Pops Fernandez at Martin Nivera; at Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Natapos man ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa, magkaibigan pa rin naman sila at nagkagagawa pa ng proyekto nang magkasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Pops Fernandez

Trending ngayon ang Instagram post ni Pops kung saan makikita silang apat nina Martin, Sharon, at Gabby na magkakasama. Kuha ito sa Gabay Guro event kung saan guest performers ang apat.

“And so this happened… The ex-factor,” BTS of #GabayGuro2019,” sabi ni Pops sa kanyang post na ibinabahagi na rin sa iba’t ibang social media platforms.

Matatandaang naiulat na sa Gabay Guro event din inanunsiyo nina Gabby at Sharon ang kanilang pag-aayos matapos nilang muling magkatampuhan at lumabas ang balitang hindi na tuloy ang sanay reunion movie nila noong nakaraang taon.

Binanggit din nina Sharon at Gabby sa kanilang naging paglabas sa Gabay Guro na kung hindi sana sila naghiwalay ay 35 taon na silang mag-asawa. Gayunman, kahit nauwi sa hiwalayan, nagbunga naman ang kanilang maikling pagsasama ng isang KC Concepcion.

Sina Martin at Pops naman ay madalas namang makitang magkasama sa mga TV show at concerts. In-demand performers sila dahil sila ang tinaguriang King and Queen of Concerts ng industriya. Gayunman, iba pa rin ang kilig ng kanilang fans sa tuwing makikita silang magkasama.

Larawan mula sa Instagram account ni Pops Fernandez

Nitong Pebrero nga, sa kaarawan ni Martin, ay nag-post pa si Pops ng sweet na mensahe para sa dating asawa at ama ng kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram.

“We have surpassed and hurdled a lot … and yet thru it all we have remained friends… You are such a generous giver and yet sometimes you forget to give to yourself.,” bahagi ng birthday message ni Pops para kay Martin.

Maliban sa picture nilang apat, naglabas din si Pops ng larawan nila ni Sharon kasama ang mga original Filipina divas na sina Kuh Ledesma at Zsa-zsa Padilla.