Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, 35 years na sanang kasal kung hindi naghiwalay




Imahe mula sa Gabay Guro Facebook page
  • Kung hindi nagkahiwalay sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, 35 years na sana silang kasal
  • Ito ang naging rebelasyon ni Sharon sa isang press conference 
  • Kung nagkataon, trending sana ngayon ang #[email protected]

Bago pa man pagkaguluhan ng mga Pinoy fans ang mga “top love team” ngayon na sina MayWard, DonKiss, LizQuen, JaDine, o KathNiel, mayroon nang ShaGab noon na hanggang ngayon ay kinakikiligan pa rin ng kanilang mga fans.

At kung hindi nagkahiwalay noon sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion malamang trending ngayon ang #[email protected] Kung hindi kasi napawalang-bisa ang kanilang kasal ay magdiriwang sana sila ngayong taon ng kanilang 35th wedding anniversary.

Imahe mula sa Gabay Guro Facebook page

Ayon sa report ng Pep, ito ang naging rebelasyon ni Sharon sa press conference ukol sa nalalapit na concert nila ni Regine Velasquez.

Ikinasal ang “ultimate love team” noong Setyembre 23, 1984 sa Manila Cathedral. Bago ito, nauna ang kanilang civil wedding noong Hulyo 23 sa taon ding iyon. Nagkaroon sila ng unica hija na si Kristina Cassandra o mas kilala bilang KC Concepcion.

Sina Sharon at Gabby ay nagkamabutihan sa kanilang unang pagtatambal sa pelikulang Dear Heart noong 1981. Pinabulaanan din dati ni Sharon ang mga tsismis na nabuntis siya ni Gabby kaya sila nagpakasal.

Nilinaw rin dati ni Sharon na si KC ay bunga ng kanilang honeymoon. Eighteen years old si Sharon nang pinagbuntis niya ang panganay.

Gayunman, nagkahiwalay sina Sharon at Gabby makalipas ang tatlong taon at tuluyang napawalang-bisa ang kanilang civil at church wedding noong 1994.

Samantala, pinakilig naman ng dalawang dating lovers ang mga gurong dumalo sa event ng PLDT-Smart—ang Gabay Guro—sa Mall of Asia Arena noong Linggo, Setyembre 22.

Ayon sa report ng ABS-CBN, nagtilian at kinilig ang tinatayang 20,000 guro na naroon sa event lalo na nang kumanta ang dalawa ng iconic love song nila na “Come What May.”

Imahe mula sa Solid Sharon and Gabby Facebook page

Lalong kinilig ang kanilang mga fans nang sabihin ni Sharon ang: “For the first time in forever, Mr. Gabby Concepcion, ladies and gentlemen.” Agad naman nagsalita si Gabby na: “And Ms. Sharon Cuneta Concepcion, noong araw.”

Sa ngayon, happily married na ang dalawa sa kani-kanilang asawa.

Source :

Pep, ABS-CBN