Sen. Kiko Pangilinan iminungkahi na bigyan ng P1,000 pension lahat ng pensionless senior citizens




Imahe mula sa Facebook account ni Sen Kiko Pangilinan
  • Kiko Pangilinan nagmungkahi na itaas ang pension ng mga senior citizens sa P1,000 mula sa dating P500 monthly
  • Nais niyang palawigin ang coverage ng umiiral na batas upang isama hindi lang ang mga indigents kundi lahat ng senior citizens na walang pension
  • Katwiran ng senador, hindi na sapat sa pangangailangan ng mga senior citizens ang P500 monthly pension

Naghain ng panukalang batas – ang Senate bill No, 259 – si Senator Francis “Kiko” Pangilinan na naglalayong baguhin ang kasalukuyang umiiral na Republic Act (R.A.) 9994 or the Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Imahe mula sa Facebook account ni Sen Kiko Pangilinan

Kabilang sa kanyang proposed amendmends sa R.A. 9994 na itaas sa P1,000 kada buwan mula sa dating P500 monthly pensions ng mga matatanda. Iminungkahi rin ng senador na lawakan ang coverage ng batas, hindi lang sa mga indigents kundi kasama ang lahat ng mga senior citizens na hindi tumatanggap ng buwanang pension.

“Kinikilala natin ang mga contribution ng ating mga senior citizens sa pag-unlad ng bayan. Nagbigay ng ginhawa ang pinasa nating batas sa tatlong milyong mahihirap na senior pero malaki pa ring porsyento ng mga senior ang ‘di kasama sa programa,” paliwanag ng mambabatas sa panukalang palawigin ang sakop ng batas para sa mga nakatatanda.

Katwiran ng senador, hindi na sapat sa kanilang pangangailangan ang P500 monthly pension. Binigyang-diin niya na ang huling amendmend na ginawa sa nabanggit na batas ay ginawa siyam na taon na ang nakalilipas.

Pinagbatayan ni Senator Pangilinan ang isang pag-aaral na ginawa noong 2017 na nagsasabing ang halaga ng P500 ay bumaba ng ilang porsiyento. Aniya, ngayong taong 2019 ang P500 ay singhalaga na lang ng P403.

Imahe mula sa PIA

“Hindi na ito sapat para sa araw-araw na gastusin at lalo na sa pang-medical. Tumaas na ang halaga ng mga pangunahing bilihin at binaba nito ang totoong halaga ng social pension na tinatanggap nila ngayon,” aniya.

Maraming mahihirap na magsasaka ang matutuwa sa kanyang panukala sabi ng senador na dating nagsilbi bilang Presidential Assistant for Food Security and Agricultural Modernization sa ilalim ng administrasyon ni former president Noynoy Aquino.