Roxanne Guinoo, ibinahagi ang masayang buhay bilang isang ina




Imahe mula kay @roxanneguinoo | Instagram
  • Pinatunayan ng aktres na si Roxanne Guinoo ang kaniyang husay hindi lang sa pagiging artista kung hindi pati na rin sa pagiging isang ilaw ng tahanan
  • Walong taon nang kasal si Roxanne sa asawa nitong si Elton Yap at biniyayaan sila ng dalawang anak
  • Masaya si Roxanne na nakakasundo ng kaniyang mga anak ang kanilang eldest at half sister na si Sophie na anak ng kanilang ama sa una nitong partner
Imahe mula kay @roxanneguinoo | Instagram

Ibinahagi ng aktres na si Roxanne Guinoo ang kaniyang buhay bilang ilaw ng kanilang tahanan.

Maliban sa pagiging mahusay niya sa larangan ng pag-arte, pinatunayan ni Roxanne na kaya niya ring maging isang mabuting ehemplo para sa kaniyang mga minamahal na anak.

Sa kaniyang interview sa programa ng ABS-CBN na Magandang Buhay, ibinahagi ni Roxanne ang mga katangian ng kaniyang anak na talagang ipinagmamalaki niya.

“Minimal lang ang issues ng mga batang iyon, iyong mga away bata,” paliwanag ng aktres.

“Si Sophie kasi she’s the eldest. Second mom ako ni Sophie so andoon siya sa mommy niya, one week doon, one week sa amin. So iyong dalawang anak ko kapag dadating si ate Sophie, andoon iyong longingness noong dalawa. ‘Pag dadating natataranta na sila, tatakbo na sila.”

Sinabi ni Roxanne na masaya siyang makita na nagkakasundo ang kaniyang mga anak. Hindi pa umano nagkakaroon ng matinding away o kompetisyon sa pagitan ng kaniyang tatlong anak.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Roxanne ang aral na lagi niyang pinapaalala sa kaniyang mga anak.

“In-implement namin sa kanila na, ini-instill namin sa utak nila, even ako iyong second mom, ‘still magkakapatid kayo 100% iyan. Walang labis, walang kulang. Iyong love nila solid talaga so nasa magulang iyan,” proud na sinabi ng aktres sa interview.

Imahe mula kay @roxanneguinoo | Instagram

Sa parehong episode ng Magandang Buhay, ipinaliwanag ng isang Psychologist at Family Life Specialist na si Dr. Michele Alignay kung paano at kailan dapat simulan na ituro sa mga bata ang good values.

“Magandang malaman ng mga parents na kahit na toddlers basta nagkakaulirat or they’re starting to be aware of paano umikot iyong mundo nila. ‘Yang mga [nasa edad] 2 or 3 napi-pick up na nila iyan,” ayon sa eksperto.

Dagdag niya, “Ang values kahit anong sabi natin narere-inforce iyan kung nakikita nila na ginagawa natin.”

Source :

Youtube