Robi Domingo, mayroon nang Silver Play Button award mula sa YouTube




Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo
  • YouTube Silver Play Button awardee na ang Kapamilya host na si Robi Domingo
  • Ibinahagi niya sa kanyang Instagram post ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanya
  • Asahan daw ang mas marami pang content sa kanyang YouTube channel

Kilala si Robi Domingo bilang isa sa pinakamahuhusay na hosts sa Pilipinas. Hindi man pinalad na maging big winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition 2, nagsunod-sunod naman ang biyaya para sa kanya, partikular na ang kaliwa’t kanang hosting stints sa Kapamilya Network.

Ngayon, hindi lamang sa larangan ng hosting mayroong ipagmamalaki si Domingo. Matagumpay na rin siya bilang isang vlogger. Kasisimula pa lamang ni Domingo ng kanyang YouTube channel noong Nobyembre 2018. At ilang buwan pa lamang ang nakalilipas, nakamit na niya ang kanyang Silver Play Button award mula sa YouTube.

Larawan mula sa Instagram account ni Robi Domingo

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Domingo ang larawan ng kanyang plake mula sa YouTube. Sabi niya, hindi pa rin siya makapaniwala sa tagumpay ng kanyang vlog at asahan daw ang mas marami pang kulit moments at collaboration sa kanyang channel.

“I can’t believe it! I finally got a Silver Play Button! Thank you so much to all the subscribers… for the likes, comments, and the love! Thank you also to the people behind the vlogs,” bungad ni Domingo sa kanyang post.

“Expect more crazy and meaningful content plus great collaborations soon on the Robi D. YouTube channel,” pagpapatuloy ng The Voice Kids host.

Ibinibigay ng YouTube ang Silver Play Button award sa mga vlogger na mayroong 100,000 subscribers sa kanilang channel. Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 440,000 subscribers si Domingo at inaasahang sa mga susunod na buwan ay mararating na rin niya ang 1 million subscribers upang makuha naman ang kanyang Gold Play Button award.

Tuwang-tuwa naman ang mga fans at followers ng dating housemate ni Kuya sa kanyang bagong achievement. Deserve daw ni Domingo ang kanyang maraming subscribers dahil marami itong napapasayang mga netizens.

Larawan mula sa YouTube channel ni Robi Domingo

Kilala si Domingo sa mga nakaka-good vibes na vlog kasama ang iba’t ibang Kapamilya personalities tulad nina Donny Pangilinan, Maymay Entrata, Melai Cantiveros, at ang viral kid na si You Do Note Girl.

Maliban sa Silver Play Button, nagkamit din si Domingo ng best reality show host award mula sa EdukCircle para sa kanyang pagho-host sa Pinoy Big Brother Otso.

Nag-subscribe ka na ba?