Rhea Santos sa unang dalawang buwan sa Canada: “Muntik pa ako umuwi”




Larawan mula sa Instagram account ni Rhea Santos
  • Nagbigay ng update ang dating Kapuso journalist na si Rhea Santos sa kanyang buhay sa Canada
  • Hindi raw madali ang pag-a-adjust at muntik pa siyang umuwi sa Pilipinas
  • Nakatakda rin siyang gumawa ng kanyang vlogging channel sa YouTube

Marami ang nagulat nang lisanin ni Rhea Santos ang trabaho sa Pilipinas upang mamuhay kasama ang pamilya sa Canada. Naging emosyonal siya nang magpaalam sa mga katrabaho partikular na sa Unang Hirit na naging tahanan niya sa halos dalawang dekada.

Nasa Canada na ngayon si Santos at dalawang buwan na rin siyang naninirahan doon. Ngunit kahit malayo na sa kanyang mga Kapuso, madalas pa ring laman ng Instagram post ng journalist ang kanyang mga kaibigan sa industriya.

Larawan mula sa Instagram account ni Rhea Santos

Nag-post nga siya ng isang short video sa kanyang IG account bilang teaser ng gagawing vlogging channel. Kasalukuyan niya raw itong tinatrabaho at ginagawa niya ito para hindi naman niya masyadong ma-miss ang pagho-host.

Sabi pa ni Santos, sinasanay pa raw niya ang sarili na kausapin ang kanyang telepono sa pagkuha ng video para sa vlog niyang tatawaging, Your Morning Girl bilang tribute na rin sa kanyang 19 years sa Unang Hirit.

“I am starting a vlog and I’ve been working on it. It’s not much but I hope you’ll like it. I can’t promise I can upload videos as often but I will try my best to share what I can share,” saad ni Santos.

Naging caption din ng teaser video na iyon ni Santos ang kanyang karanasan sa unang dalawang buwan sa Canada. Pahayag niya, hindi raw naging madali ang kanyang pag-a-adjust at nakaranas din ng ilang pagsubok na minsan pang naging dahilan para maisipan niyang umuwi.

“Dear everyone, Kumusta na? It’s almost two months since I left Manila to start a new life here in Canada. Everything happened in God’s perfect timing. It wasn’t all smooth. There were hurdles along the way,” bungad ni Santos.

Larawan mula sa Instagram account ni Rhea Santos

”Muntik pa ko umuwi! But you know what, because of the challenges, it made the journey sweeter. Kwento ko na lang next time,” pagpapatuloy ng broadcast journalist na nakatakda ring mag-aral ng online journalism sa Canada.

Maliban sa post na ito, marami pang larawang ibinabahagi si Santos tungkol sa kanyang mga co-host sa Unang Hirit. Mayroon siyang mahabang mensahe para kina Arnold Clavio, Susan Enriquez, Luanne Dy, Connie Sison, Lyn Ching, Ivan Mayrina, at Lhar Santiago.