QC Mayor Joy Belmonte, panandaliang nagpaalam sa socmed dahil sa dadaluhang seminar abroad




Imahe mula kay Mayor Joy Belmonte | Facebook
  • Nais na maging bukas ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa social media tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa kaniyang pamamahala
  • Ipinaalam niya sa netizens na panandalian siyang mawawala sa Facebook dahil sa dadaluhan niyang seminar sa ibang bansa
  • Nilinaw rin ng alkalde na hindi siya gumamit ng salapi mula sa taumbayan dahil sagot ng organizer ng seminar ang lahat ng kaniyang gastusin para dito
Imahe mula kay Mayor Joy Belmonte | Facebook

Nagpaalam muna si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga netizens dahil sa panandalian nitong pagkawala sa social media sa mga susunod na araw.

Sa kaniyang Facebook post noong September 8, sinabi ng alkalde na nais niyang maging bukas sa publiko tungkol sa kaniyang dadaluhan na seminar sa darating na mga araw.

“In the interest of transparency, I wish to inform my Facebook friends and constituents that I will be out of the country from this afternoon until Friday, September 13 to participate in the “High-Level Summit on Addressing Health Inequalities to End the HIV Epidemic by 2030” better known as the “Fast-Track Cities 2019 Conference,” ani Mayor Belmonte sa post.

Dagdag niya, “I feel very privileged to be the only Asian Mayor invited to this conference, and I will be speaking on Monday, September 9 on Urban Drug Policy.”

Sinabi rin ng alkalde na patuloy ang trabaho sa Office of the City Mayor habang siya ay nasa ibang bansa. Maliban dito, maaari pa rin umano siyang tumanggap ng mensahe gamit ang Viber, WhatsApp, Telegram, email, at SMS.

May paglilinaw rin naman sa post ang alkalde para sa ilang mga bashers na makakabasa nito.

Imahe mula kay Mayor Joy Belmonte | Facebook

“To my bashers, not a single cent of taxpayers money was used for my trip. All expenses were paid by the hosts.”

Ayon kay Mayor Belmonte, hindi siya gumamit ng pera ng taumbayan para makadalo sa seminar. Lahat ng gastusin ay sagot ng organizers ng event kaya hindi dapat ito ikabahala ng publiko.

Source :

Facebook