Pitong Kapamilya at limang Kapuso actresses, itinanghal na TV Queens ng PMPC Star Awards




Larawan mula sa Instagram
  • Labindalawang aktres ang tinanghal na TV queens ng PMPC
  • Pito sa mga ito ay Kapamilya habang lima naman ang galing sa GMA Network
  • Ito ay dahil sa natatanging kontribusyon nila sa larangan ng telebisyon sa bansa

Sa ika-33 taong pagbibigay ng parangal ng Philippine Movie Press Club (PMPC) o mas kilala bilang Star Awards for television, isang dosenang bituin ang nakatakda nilang itanghal bilang Queen of Philippine TV dahil sa mga naiambag nila sa industriya.

Pitong Kapamilya actresses habang lima naman ang mga Kapuso ang gagawaran ng TV Queens at the Turn of New Millennium award. Para sa ABS-CBN, sina Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Judy Ann Santos, Kim Chiu, Liza Soberano, Bea Alonzo, at Maja Salvador ang itatanghal na reyna. Samantala, sa GMA Network naman ay sina Marian Rivera, Sunshine Dizon, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, at Carla Abellana ang queen of Philippine TV.

Larawan mula sa Instagram

Bago pa man itanghal na queen of Philippine TV, kinikilala na si Judy Ann bilang reyna ng Pinoy soap opera dahil sa mga hit teleserye nito tulad ng Mara Clara at Esperanza. Naging queen of primetime naman noon si Angel sa GMA dahil sa record-breaking series niyang “Mulawin” at “Darna,” na nagpatuloy kahit lumipat na siya sa ABS-CBN. Marami ring top-rater shows si Kathryn kabilang ang “Got To Believe,” “Princess and I,” at remake ng “Pangako Sa ’Yo.” Nakagawa rin siya ng isang TV series sa GMA kasama si Marian, ang remake ng Koreanovelang “Endless Love.”

Deserving din si Bea sa pagkilala dahil marami din siyang serye na talaga namang pinanood ng mga Pilipino tulad ng “Magkaribal,” “Maging Sino Ka Man,” “Betty La Fea,” at “A Love To Last.” Bago naman maging artista, napanood rin si Kim Chiu sa Pinoy Big Brother kung saan siya naging Big Winner. Pagkatapos nito ay gumawa na rin siya ng mga malalaking teleserye gaya ng “Tayong Dalawa” at “Ikaw Lamang.”

Sino ba naman ang makakalimot kay Ivy Aguas ng “Wildflower?” Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit reyna rin ng telebisyon si Maja. Ang mga teleseryeng “Forevermore” at “Dolce Amore” naman ang naging big break ni Liza para mapasama sa TV Queens list.

Sa Kapuso network naman, ang remake ng iba’t ibang classic shows ang naging dahilan kung bakit maliban sa primetime queen ay reyna rin ng telebisyon si Marian Rivera. Bumida siya sa “Marimar,” “Dyesebel,” at “Darna” na ipinalabas din sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Larawan mula sa Instagram

Si Heart Evangelista naman ay dati ring Kapamilya at doon ay napanood rin siya sa ilang teleserye kabilang na ang “Panday.” Nang lumipat sa Kapuso, nakagawa siya ng mga serye tulad ng remake ng “Full House” at “My Korean Jagiya.”

Daytime drama queen naman si Sunshine Dizon dahil sa teleseryeng “Ika-6 Na Utos” na hindi lang napanood tuwing Lunes hanggang Biyernes, extended pa hanggang Sabado. Si Carla Abellana naman ay hindi lamang sumikat sa Pilipinas kung hindi maging sa abroad dahil sa “My Husband’s Lover.” Reyna rin ng TV si Jennylyn Mercado dahil maliban sa top rating teleseryes, ay busy rin siya sa hosting at pagpe-perform sa mga variety show.

Source :

PEP, Instagram