Picture perfect: Silipin ang mala-post card na larawan ng ilang celebrity sa nakaraang ABS-CBN Ball




Larawan mula sa Instagram account ni Jay R
  • Laganap pa rin sa social media ang mga larawan sa nagdaang ABS-CBN Ball
  • Kabilang sa mga ito ang engrandeng larawan ng ilang Kapamilya artist na ibinahagi ni Jay R
  • Ayon sa mga netizens, level up daw ang larawang ito at ipinakita ang mataas na antas ng styling at photography 

Taon-taon ay inaabangan ang ABS-CBN Ball, dating Star Magic Ball, dahil sa magagarbong kasuotan ng mga artistang dumadalo. Kanya-kanyang gimik ang bawat Kapamilya artist na dumadalo sa event at pagandahan ng pose sa red carpet.

Napuno ang social media ng mga larawan mula sa ABS-CBN Ball, at ang ilan ay naging paboritong gawan pa ng mga meme. Ngunit isang larawan ang agaw-pansin dahil sa pabolosong kuha na ibinahagi ng King of RNB na si Jay R.

Screenshot mula sa Instagram account ni Jay R

Trending ngayon sa Instagram ang post ni Jay R dahil sa mala-post card na kuha nila ng ilang Kapamilya artists at fashion stylist. Napakaganda ng kuha nito na akala mo ay pang-cover sa isang magazine o ipa-publish sa isang espesyal na materyal.

Kasama ni Jay R sa larawan ang kapuwa singers na sina Billy Crawford, Lucas ng Idol Philippines at Miko Magbanua na dating miyembro ng TOP boyband ng GMA Network. Kabilang din sa portrait sina Bianca Gonzales, Jolina Magdangal, Enzo Pineda, Edward Barbers, Maymay Entrata, at Miles Ocampo. Nakadagdag rin sa kinang ng larawan ang dalawang fashion experts na sina Em Millan at Rain Dagala.

Nagpasalamat si Jay R sa kumuha ng larawan na si Ria Regino at ang art director na si Merlito Pabatao. Pinasalamatan din ng RNB royalty ang fashion designer to the stars na si Rajo Laurel na siyang gumawa sa majority ng mga sinuot ng nasa larawan.

Hindi mapigilan ng ilang netizens ang magkomento sa larawan. Ayon sa isang netizen, mukha raw painting ng mayayamang Pilipino ang nasa larawan dahil sa kasuotan nilang mukhang mga royalty.

“Just like a painting of the most affluent people of modern Filipinos,” sabi ng isang Instagram user.

Larawan mula sa Instagram account ni Jay R

Pinuri naman ng isang netizen ang styling ng mga celebrity sa larawan. Aniya, level up daw ang styling at design na nakita sa larawan.

“I love this whole spread! Design and stylists stepping up,” papuri ng isang netizen.

Maliban sa group photo, may kanya-kanyang larawan din ang mga Kapamilya artists sa kanilang Instagram account.