PAWSsion Project, nananawagan ng tulong pinansiyal para sa kanilang 300 rescued ‘Asong Pinoy’




Mga imahe mula sa PAWSsion Project Facebook page
  • Maraming Asong Pinoy (Aspin) ang napababayaan ng kanilang mga tagapag-alaga at karamihan sa mga ito ay nagpalaboy-laboy sa daan
  • Sa kabutihang-palad, maraming Pilipino ang nagtataguyod sa kapakanan ng mga Aspin at isa na rito ang PAWSsion Project
  • Gayunman, tulad ng anumang adhikain ay nangangailangan din sila ng tulong pinansiyal para maipagpatuloy ang kanilang adbokasiya

Nananawagan ang PAWSsion Project, isang non-profit organization, sa mga nais tumulong sa kanilang adbokasiya na alagaan at protektahan ang mga Asong Pinoy (Aspin) na kanilang nailigtas sa Bacolod at sa Bulacan,

Ayon sa kanilang Facebook post, ang kanilang grupo ay kasalukuyang nag-aalaga ng 300 Aspin na kanilang nailigtas. Ang mga Aspin na ito ay nangangailangan ng agarang tulong upang hindi na lumalala pa ang kanilang sakit.

Imahe mula sa PAWSsion Project Facebook page

“Since we started back in October, we have rescued around 500 dogs already and while others did not make it due to illnesses, we have successfully rehomed a number of rescues,” paliwanag sa post.

Karamihan pa rin  sa kanilang mga nailigtas na Aspin ay binigyan nila ng malinis na tirahan, napabakunahan, at tuluyan nang gumaling.

“While we do not get any government or corporate funding, we have continuously strived to work for the needs of our rescues and we have settled almost 500k pending bills by God’s grace,” ayon pa sa post.

Inilahad din nila ang kanilang mga kailangang bayaran at pagkagastusan. Anila, mayroon pa silang hindi nababayaran sa distemper clinic sa Maynila at Bacolod na nagkakahalaga ng halos ₱120,000.

Nanawagan din sila ng tulong para makakalap pa ng pondo para sa rehabilitasyon ng mga bagong nailigtas nilang Aspin sa Parañaque at Cavite. Kailangan din umano nilang magbayad ng ₱30,000 para sa tatlong buwang renta sa Bulacan sa loob ng linggong ito.

Kabilang sa mga patuloy nilang pinagkakagastusan ay ang kanilang pagpapasuweldo sa mga caretakers at shelter manager. Mayroon din silang mga coordinator at rescuer na binabayaran nila mula sa sariling bulsa. Umaabot din sa ₱40,000 kada lingo ang ginagastos nila sa pagkain para sa 300 Aspin na kanilang nailigtas.

Nanawagan din sila sa mga volunteers na maaaring tumulong sa kanilang isinusulong na rehabilitasyon sa Bulacan.

Imahe mula sa PAWSsion Project Facebook page

Ang mga nais magbigay ng tulong pinansiyal ay maaaring magbigay ng donasyon sa sumusunod na platform:

Sana ay marami ang magbigay ng tulong sa PAWSsion Project para magpatuloy pa ang kanilang napakagandang adbokasiya.

Source :

Facebook