Pauleen Luna sa asawang si Bossing Vic Sotto: “He never complains even though he’s tired”




Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto
  • Busy raw si Bossing Vic Sotto dahil sa tatlong proyektong ginagawa ngayon
  • Nag-post naman ang misis niyang si Pauleen Luna ng isang pasasalamat sa kasipagan ni Bossing
  • Hindi raw nagrereklamo si Bossing kahit anong pagod nito sa trabaho

Kahit isa na sa mga haligi ng industriya, hindi pa rin nauubusan ng proyekto ang tinaguriang Bossing na si Vic Sotto. Gumagawa siya ngayon ng pelikula para sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang on-going sitcom kasama si Maine Mendoza na “Daddy’s Gurl,” at siyempre ang longest running noontime show na “Eat Bulaga!”

Dahil sa pagiging abala, miss na raw si Bossing ng co-host niya sa Eat Bulaga! at asawang si Pauleen Luna. Sa isang Instagram post, ipinaabot ni Pauleen ang isang mensahe para sa kanyang masipag na asawa na hindi na raw magkandamayaw sa dami ng ginagawa nitong mga nakaraang linggo.

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

“Missing my dear husband who’s still out working since this morning. These past weeks, his schedule’s been crazy because he’s filming for his movie,” bungad ni Pauleen sa kanyang post.

Gayunman, kahit daw madalas na wala si Bossing ngayon sa kanilang bahay, alam naman daw niyang ang lahat ng ginagawa nito ay para sa kanilang pamilya. Hindi rin umano nagrereklamo si Vic sa kahit na anong pagod nito sa kanyang mga proyekto.

“And though i terribly miss him, his absence makes me appreciate all the hardwork he’s doing for his film and for us. He never complains even though I know how tired he is. Maybe because he’s doing it with love and passion,” dagdag ni Pauleen sa kanyang trending post na mayroon nang higit 63,000 likes.

Nagpasalamat din si Pauleen sa pagiging mabuting ama at asawa ni Bossing sa kanila ni Baby Tali at patuloy na pagpuno ng pagmamahal sa kanilang pamilya.

Larawan mula sa Instagram account ni Pauleen Luna-Sotto

“Thank you my love for all that you do for us, for your entire family. We love you and we appreciate you! Always and forever,” pagtatapos ni Pauleen.

Sumagot din sa post ni Pauleen ang anak ni Bossing na si Danica Sotto-Pingris at nagpadala ng isang “love you” sa kanyang Dada Vic.

Taong 2013 nang aminin ng dalawang Eat Bulaga! host ang kanilang tunay na relasyon. At noong 2016, nagpakasal na ang dalawa. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan at isinilang ang una nilang anak na si Tali noong Nobyembre 2017.