Panelo, irerekomenda kay Pangulong Duterte na putulin ang mobile at internet signal sa loob ng Bilibid




Imahe mula sa Facebook account ng Office of the Presidential Spokesperson
  • Imumungkahi ni Presidential Spokesperson kay Pangulong Duterte na putulin ang signal ng cellphone at internet sa loob ng Bilibid
  • Ang pagputol ay katulad ng signal-jamming protocol na ginagawa sa tuwing may official event kagaya ng state visits
  • Ilang high-profile inmates sa Bilibid nakakapag-post ng mga larawan sa social media 

Matapos makarating sa kanyang kaalaman na ang ilang high-profile inmates sa national penitentiary – ang New Bilibid Prison sa Muntinlupa City – ay may access sa internet, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na imumungkahi niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang signal ng cellphone at internet sa loob ng Bilibid.

Imahe mula sa Radyo La Verdad

Sabi ni Panelo, ang suhestiyon niya ay katulad ng ginagawang signal-jamming protocol kapag may official events katulad ng mga state visits, pero sa loob ng Bilibid ay iminumungkahi niya na gawin ang signal-jamming sa lahat ng oras sa buong taon.

“All you need to do is cut that off. Who will cut that off? Syempre the operator ng Smart, ng Globe. Ganyan ka-simple. They are using communication signals to commit illegal acts then might as well,” anang tagapagsalita ng Pangulo.

“The law should require them to stop the signal, the operation of a particular use of communication system within the area,” dagdag pa ni Panelo na siya ring chief legal counsel ng Presidente.

Ang suhestyon ni Panelo ay kasunod ng mga lumutang na ulat na ang ilang high-profile inmates sa loob ng Bilibid ay nakakapag-post pa sa social media habang nakakulong. Nagbunsod ito sa ispekulasyon na may nagaganap na korapsyon sa loob ng national penitentiary.

Imahe mula sa Facebook account ng Office of the Presidential Spokesperson

Noong ikaapat na araw ng Senate hearing na ginagawa ukol sa Good Conduct Time Allowance policy, ipinakita ni Senator Ping Lacson ang ilang larawan na ibinahagi ng isang c0nvicted carnapper sa Facebook.

Ani Senator Lacson, ang mga larawan ay kuha sa loob ng Bilibid noong 2017.

“This would indicate overconfidence that they would be protected no matter what they do. Para magpost ka sa Facebook, hindi sila nag-aalala na baka mabuko na may cellphone ako,” ani Lacson.