Next online sensation: Cute na larawan ng baby ni Andi Eigenmann, naghahatid ng good vibes sa IG




Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann
  • Cute na cute rin ang ikalawang baby ni Andi Eigenmann
  • Madalas mag-trending ang mga larawan nito sa Instagram na talaga namang nakaka-good vibes
  • Sabi ng ilang netizens, hindi raw malayo na mamana ni Lilo ang pagiging artista ng kanyang ina, maging lolo at lola

Dalawang buwan matapos manganak ang “heiress of drama” na si Andi Eigenmann, nagbibigay na ngayon ng good vibes ang kanyang baby girl na si Keliana Alohi o tinatawag nilang si Lilo. Hindi man aktibo ngayon si Andi sa showbiz, madalas naman siyang mag-update sa kanyang Instagram account kabilang ang mga larawan ni baby Lilo.

Maraming netizens ang cute na cute kay Lilo sa mga larawang ibinabahagi ni Andi sa kanyang IG account. Madalas ay kasama ni Andi ang baby girl niya kasama ang panganay na si Ellie. Mayroon ding mga solong kuha si Lilo na nakapaghahatid ng ngiti sa kahit na sinong makakikita.

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Dahil surfer ang ama at sa Baler, Aurora na naninirahan sina Andi, tila ang Disney character na si Moana ngayon si Lilo. May larawan siyang mayroong gumamela sa tainga na bumubuo sa kanyang Hawaiian girl look. Umabot lang naman sa higit 80,000 likes sa IG ang larawang ito at umani ng napakaraming positibong komento.

Noong isang buwang gulang pa lamang si Lilo, nag-post din si Andi ng larawan nito na nasa tabi pa rin ng dagat at sabi ng aktres, enjoy raw si Lilo sa maaraw at mahangin na panahon sa tabing dagat.

“One-month-old Lilo enjoying the fresh breeze and sunny weather,” sabi Andi sa kanyang post na umani naman ng higit 170,500 likes.

Ang pinakabagong viral photo ng baby ni Andi ay ang larawan nilang mag-iina na bagong gising. Kahit na hindi ganoon kataas ang kalidad ng larawan ayon sa aktres, agad niya itong ibinahagi sa Instagram dahil maganda ang gising ni Lilo at ngumingiti sa camera.

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

“This photo goes straight to my Instagram because even though the quality isn’t A+, their smiles definitely are… It’s these simple moments with my girls that make my heart sing! Allowing their smiles to spread good vibrations to you all,” pahayag ni Andi sa post na mayroong higit 214,000 likes.

Sabi ng ilang netizens, bata pa lamang ay kita na nila ang dugong artist ni Lilo. Mula sa angkan ng mahuhusay na aktres si Andi. Anak siya ng Cannes Film Festival best actress na si Jacqlyn Jose at aktor na si Mark Gil. Kaanak niya rin ang mga award-winning celebrities na sina Cherie Gil, Michael de Mesa, at Gabby Eigenmann.