Netizen nagbigay babala sa publiko hinggil sa paggamit ng cotton buds




Imahe mula sa Facebook account ni Daeron Carlo Pabiloña /Public Domain Image
  • Binigyang-babala ng isang netizen ang publiko hinggil sa paggamit ng cotton buds
  • Nakaranas siya ng impeksyon sa kanang tainga dahil sa paglilinis ng loob ng kaniyang tainga gamit nito
  • Gumamit na lamang daw ng maliit na kutsara para dito upang makuha ang tutule o dumi sa loob ng tainga

Ang paglilinis ng tainga ay isa sa mga hygiene na dapat ginagawa upang mapanatiling malinis at maayos ang ating pandinig. Kaya naman sa pagsasagawa nito, kailangan ang dobleng pag–iingat.

Ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Daeron Carlo Pabiloña ang muntikang pagkawala ng kaniyang pandinig dahil sa naimpeksyong kanang tainga dulot ng paggamit ng cotton buds sa paglilinis nito.

Ayon sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 5, 2019, nagtungo sa Batangas ang kaniyang pamilya para sa despedida ng kaniyang pinsan. Matapos lumangoy sa swimming pool, naramdaman ng netizen na tila may mabigat na pressure na nagmumula sa kaniyang kanang tainga.

“GUYS NEVER EVER EVER USE COTTON BUDS TO CLEAN YOUR EARS. (Walang pero–pero) I suffered from an EAR INFECTION and IMPACTED EAR. Last week of August, my family went to Batangas for my cousin’s despidida trip. After soaking sa beach at sa pool. I FELT A HEAVY PRESSURE COMING FROM MY RIGHT EAR. DI AKO MAKARINIG ALL OF A SUDDEN.”

Imahe mula sa Facebook account ni Daeron Carlo Pabiloña

Nakaranas daw siya ng lagnat, pananakit ng ulo, at pamamaga ng kanang tainga. Matapos makauwi, agad silang nagtungo sa EENT upang ipasuri ang kaniyang tenga. Napag–alamang may impeksyon na ito at hindi maaaring magalaw dahil namamaga rin ang ear canal at ear drum.

Matapos umano ang isang linggong pag–inom ng antibiotics at topical medication, bumalik siya sa doktor noong Agosto 29, 2019 upang sumailalim sa ear extraction. Hindi raw niya maipaliwanag ang sakit at kirot na nadama.

Pagsasalaysay niya: “Sabi ni Doc, parang coral reef yung loob ng ear canal. Sa sobrang linis raw ng ears ko, napasok na lahat ng EAR WAX sa loob. After doc tried to extract the impacted ear wax, hindi niya matanggal sa sobrang tigas (iniiwasan niyang dumug0) at hindi ko na kayang itolerate yung sakit. So I have to go back ulit after, palalambutin muna yung ear wax.”

Dagdag pa niya, halos mawalan siya ng malay dahil sa labis na sakit na parang matatanggal na ‘yung balat sa loob ng kanyang tainga.

Imahe mula sa Facebook account ni Daeron Carlo Pabiloña

Matapos ang dinanas na sakit, maayos na ulit na nakaririnig ang netizen. Babala niya sa publiko, huwag nang gumamit ng cotton buds sa paglilinis ng loob ng tenga.

“GUYS NEVER EVER USE COTTON BUDS TO CLEAN YOUR EARS KAHIT GANO KASARAP YUNG FEELING NA DINUDUTDOT YUNG COTTON BUDS SA LOOB, ITS A NOOOOO. (okay lang naman linisin yung outer area basta wag yung kaloob looban.) Ngayon, ayoko na sa COTTON BUDS,” aniya.

Nagbigay rin siya ng ibang opsyon sa paglilinis nito na hindi na kailangan pang gumamit ng cotton buds.

To those who are asking paano na kapag di gumamit ng cotton buds: you can use a damp cloth to clean your outer ear. Mas advisable gamitin yung parang kutsara to get the earwax if gusto niyo tanggalin. Kasi the cotton buds pushes the earwax deeper, AKALA LANG NATIN LUMILINIS.”

Pag–ingatan natin ang ating mga pandinig upang ang lahat ng bagay na may tunog ay ating maulinig!

Source :

Facebook