Nasaan na nga ba ang aktres na si Bangs Garcia?




Imahe mula sa Instagram account ni Bangs Garcia
  • Maraming nagtatanong kung nasaan na nga ba ang aktres na si Bangs Garcia
  • Nasa United Kingdom siya ngayon kasama ang asawa at anak
  • Nagtayo siya ng sariling online shop na nagbebenta ng iba’t ibang damit at items na may inspirational quotes

Maraming nagtatanong ngayon kung nasaan na nga ba ang aktres na si Bangs Garcia na isa sa mga talent ng Star Magic at madalas na napapanood noon sa home network nitong ABS–CBN.

Hindi na siya aktibo ngayon sa showbiz matapos lumagay sa tahimik kasama ang negosyanteng Filipino-British na si Lloyd Birchmore noong 2016, at naninirahan na ngayon  sa London, United Kingdom.

Tatlong beses silang ikinasal. Isang civil wedding sa London noong Setyembre 2016, isang church wedding sa Boracay noong Enero 23, 2017, at isang beach wedding matapos ang church wedding, na ginanap din sa naturang isla. Agad na nagdalantao si Bangs isang taon pagkatapos ng kanilang kasal, at tuluyang nagsilang ng isang napakagandang batang si Amelia noong Disyembre 5, 2017.

Makikita sa mga larawan ni Bangs sa kaniyang Instagram account na masayang–masaya siya sa piling ng kaniyang asawa at anak. Gustong–gusto nilang nananatili lamang sa bahay o kaya nama’y naglalakbay sa iba’t ibang lugar at bansa.

Imahe mula sa Instagram account ni Bangs Garcia

Bagama’t kayang–kaya namang buhayin ng kaniyang negosyanteng asawa, nagpasya pa rin si Bangs na magkaroon ng sariling online shop upang magbenta ng mga damit at items na may inspirational quotes.

Marami naman sa mga tagahanga at tagasuporta ni Bangs ang nakikiusap na bumalik na siya sa showbiz.

“Miss ka na namin, Bangs! Pero sabagay, kung ikaw lang din ang may asawang gwapo, mas gugustuhin ko na nga lang ding magquit na lang at manatili sa bahay para makasama siya at ang very cute naming anak! Congrats!”

“Balik ka na sa showbiz, Bangs! We missed you!”

“I’m happy for your personal and private life! You deserved to have a happy family!”

Imahe mula sa Instagram account ni Bangs Garcia

Si Bangs Garcia, na nagngangalang Valerie Garcia sa tunay na buhay, ay nakilala sa mga proyekto sa telebisyon man at pelikula tulad ng “Let’s Go,” “Ronin”,  “Katorse,” at “Shake, Rattle and Roll.”