‘Nagpakasal ba?’ Mga tanong tungkol sa viral wedding photos nina Julian at Ella, nasagot na




Images via Julian Trono and Ella Cruz | Instagram
  • Nagulat ang marami sa wedding photos na ibinahagi ng onscreen partners na sina Julian Trono at Ella Cruz
  • Sa kanya-kanyang Instagram account ay ibinahagi ng dalawa ang wedding photos 
  • Ang mga larawan ay kuha pa ng sikat na Nice Print Photography

Kamakailan ay pinag-usapan ang onscreen couple na sina Julian Trono at Ella Cruz dahil sa pagkalat ng mga wedding photos nilang dalawa. Ang nag-upload ng mga larawan, mismong sina Julian din at Ella!

Image capture from IG

Mga kuha pa ng sikat na Nice Print Photography — na kadalasang isa sa top choices ng mga celebrity sa mga importanteng events sa buhay nila — ang ibinahagi ng dalawa sa kani-kaniyang Instagram account. Ang tanong tuloy ngayon ng mga tao sa social media, “For real na ba sila? Kinasal na nga ba sina Julian at Ella?”

Maging ang mga kapwa nila artista ay nag-iwan ng komento sa mga post na ginawa nila. May mga nagulat, mayroon ding mga kinilig nang sobra.

“Our little secret,” saad ng young stars sa caption ng isa sa mga litratong ibinahagi nila sa IG. Kapwa sila mayroon ganitong post sa kanya-kanya nilang account sa nasabing photo sharing app.

Nagbahagi rin ng wedding video ang bride at nilagyan ito ng caption na, “Our story begins…here. @niceprintphoto.” Ang video na ito ay nakakuha na ng halos isang milyong views, as of posting, habang halos 200,000 naman ang favorites.

Kinagigiliwan ang love team nina Julian at Ella hindi lang dahil sa chemistry nila at husay sa pag-arte. Marami rin ang natutuwa dahil kapwa sila mahusay sumayaw. Kabilang sa mga proyektong pinagsamahan nila ay ang Fan Boy, Fan Girl.

Kung may mga naniniwala o umaasang kasal na sila, may iba naman na ang hula ay para pa rin ito sa isang proyekto; at kaisa nila ang Nice Print Photography sa promotion campaign para rito.

Image capture from IG

At tama nga ang mga nahuli!

Sa YouTube, ibinahagi ng Nice Print ang wedding video at nilagyan ito ng title na: Ella Cruz and Julian Trono “A Not So Fake Love Story TV Series” Teaser by Nice Print Photography. May bago na namang aabangan ang fans ng tambalan!