Mga Pinoy hinihikayat na kumuha ng online MBA program sa isang Japanese university




Imahe mula sa Globis University - Graduate School of Management | Facebook
  • Hinihikayat ng presidente ng isang unibersidad sa Japan ang mga Pilipino na kumuha ng online MBA program
  • Layunin umano ng moderno nilang konsepto sa pagtuturo ng MBA na hasain ang mga estudyante na magiging lider sa hinaharap na sumabay sa teknolohiya
  • Dahil online ito, maaaring mag-aral ang estudyante kahit pa nasaan siya

Hinihikayat ng isang Japanese university ang mga Pilipino na kumuha ng MBA o Masters of Business Administration na maaari nilang pag-aralan kahit nasaang parte man sila ng mundo.

Imahe mula sa Globis University – Graduate School of Management | Facebook

Ayon sa presidente ng GLOBIS University na si Yoshito Hori, panahon na raw upang gamitin ng bawat industriya ang teknolohiya. Dapat umanong maturuan ang mga susunod na lider kung paano mapakikinabangan ang teknolohiya.

Sa ulat ng PNA, hinihimok umano ni Hori ang mga Pilipino na kumuha ng MBA program sa GLOBIS kung saan maaaring mag-enrol ng pre-MBA online program, full-time MBA program sa Tokyo, part-time MBA program sa online o sa campus, at dalawang taon na MBA online program.

Paliwanag ni Hori, malaki ang ginhawang maibibigay ng online program sa isang estudyante lalo na at hindi na nito kailangang bumiyahe pa papunta sa unibersidad. Ang mga lectures ay ginagawa raw real-time at maaari pa raw magkaroon ng kaswal na diskusyon sa lecturer.

Katulad ng normal na klase, may mga case studies at recitations din daw sa online course. Imbes na magtaas ng kamay kapag recitation, isang click na lang ang gagawin. Ang mga kurso raw sa programa ay naglalayong hasain ang management skills ng isang estudyante upang maging epektibong lider sa hinaharap.

Ayon kay Hori, sinimulan nilang baguhin ang landscape ng kanilang MBA program nang mapansin nila na halos walang pagbabago ang sistema ng edukasyon sa MBA sa kabila ng makabagong teknolohiya. Kaya naman naisipan nilang mas gawing moderno ang mga konsepto nila sa pagtuturo.

Imahe mula sa Globis University – Graduate School of Management | Facebook

“I began to wonder how education will progress in 20 years’ time. That was when we at GLOBIS started looking at opportunities for innovative disruption,” ani Hori.

Source :

PNA, Facebook